Chapter 30.2 - Who can find Lyn?

8K 124 6
                                    

Dedicate sayo ^_^

Di ako nakapag update kahapon dahil gumawa ako ng trailer nitong HOUSEMATE..ilang oras ko ginawa dahil nabadtrip ako sa WMM naghahang kasi..

Chapter 30.2 - Who Can Find Lyn?

Lyn POV

Habang naglalakad kami ni Carl nararamdaman ko ng sumasakit na ung paa ko. Pabalik na rin kami sa beach house at papadilim na rin.

Umupo muna ako malapit sa puno saka sumandal doon. Dire-diretso lang naman siguro at mahahabol ko pa si Carl.

Ang sakit na talaga ng paa ko dahil mula kaninang umaga hanggang ngayon na papagabi na nandito kami sa forest.

Mababatukan ko talaga sila Paul kapag nalaman kong sila ang numero unong may pakana nito.

After ng ilang minuto naglakad-lakad na ako. Paktay! Mukhang napalayo na si Carl.. huhu!

Ang shunga ko lang! Dapat pala sinabi ko sa kanyang tumigil muna kami saglit. And now im lost here!

Ang dilim na saka wala akong dalang cellphone buti nalang nakapa ko sa pocket ko ung isang maliit na flashlight.

Naglakad lang ako ng naglakad pero hindi parin sapat ung liwanag ng maliit na flashlight na to para makita ko ung dinadaanan ko.

*rain pouring*

Umuulan na kaya binilisan ko lalo ang paglakad hanggang sa....

Carl POV

Sawakas nakalabas na kami ng forest na to. Nakakabadtrip! Dahil ung pinakahuling treasure na makukuha namin ay...wag niyo ng alamin! -___-

"Pre! Pangatlo kayo ni Lyn sa dumating." sinalubong agad ako ni Paul.

Nakita ko naman ung apat na galing din sa pag hunt na sila Alexa, Nick, Tricia at Christian.

"Nasaan si Lyn?" tanong sakin ni Nick at ang sama ng tingin niya sakin pero hindi ako magpapaapekto sa tingin na yun.

"Kasunod ko lang siya." sagot ko sa kanya.

"Anong kasunod?! Eh wala kaya siya! Asan siya?" kinuwelyohan na ko ng lalaking to.

"Wag mong sabihin na nawawala si Bhest?" -Alexa.

"Sh*t!" Tumakbo na ako pabalik ulit sa gubat.

"San ka pupunta?" -Alexa.

"I will find her!"

Patuloy lang kami sa paghahanap kay Lyn. Sumunod kasi tong mga lalaking to sakin syempre pati si Nick. Pero uunahan ko siya mahanap si Lyn.

"Teka nga! Maghiwa-hiwalay tayo para mahanap natin siya agad! Ang lakas na ng ulan oh!" sigaw ni Francis.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon