Chapter 4 - Sweet? Bitter!!!

15.1K 248 12
                                    

Chapter 4 - Sweet? Bitter!!!

Lyn's POV

Ang ganda ng araw na 'to! Akalain mong hindi kami masyadong nagbabangayan ni Niel? Isang himala iyon sa history ng aming buhay! HA-HA!

"Lalala! Hmm.. Truelala! Lalala!" Wala lang. Masaya lang talaga ako ngayong araw na 'to! Pahumming-humming lang habang nakaupo dito sa Verandah.

"Psh. Ang ingay mo." Si Niel. Obvious naman. Habang magkasalubong pa ang dalawang kilay niya.

"HA! HA! Bakit sinabi ko bang makinig ka?" sabay irap ko sa kanya.

"Eto naman naglalambing lang ako sayo." Medyo nagpapa-cute siya sa'kin sabay hawak niya sa dalawang kamay ko! 'Yong totoo! What happen to you Niel?

"Nako! Ang sweet niyo talagang dalawa," nakangiting sabi ni Tiya. Nandyan pala si Tita.

"Syempre naman Tiya. Mahal na mahal ko kaya 'to!" Kumindat pa siya sakin sabay akbay naman nitong lalaking 'to! Medyo napapoker face ako na agad ko naman pinalis at ngumiti ng tipid.

Sige lang! Maging sweet-sweet-an ka lang diyan. Yari ka sakin mamaya o kaya bukas! Hmp!

"Nako! Tiya kung alam niyo lang sobrang sweet nitong pamangkin niyo." Nginitian ko sila ng matamis sabay kurot sa dalawang pisngi ni Niel at pinanlakihan ko siya ng mata!

"HAHA! Ang sweet naman ng baby ko! *smirks*" sabay pinch sa isang pisngi ko.

"Aray! Ang sweet mo talaga!" sabi ko habang pinanggigigilan ko pa siya.

"Hoy! Kayong dalawa ganyan ba kayo magmahalan? Nagkukurutan ng pisngi? Talaga kayo oh! Ganyan na ba talaga sa panahon ngayon?" sabi ni Tiyo sabay labas ng bahay.

"Oh siya sige. Maiwan ko muna kayong dalawa dito ha? Kami ay aalis na naman ng Tiyo niyo." nakangiting sabi ni Tiya sakin sabay tingin sa katabi ko? Meron ba? Psh! "Niel! Behave!"

"OPO TIYA!" sagot niya na may malapad na ngiti. Akalain mong laging umaalis ng bahay sila Tiya at Tiyo. Oo ganun na rin ang tawag ko sakanila simula siguro no'ng araw na namalagi na ako dito.

Naku! Delikado! Grabe makangiti 'tong katabi ko. Mukhang may binabalak na masama sakin to ah? 'Wag kang mag-isip ng ganyan Prislyn Saige Villano!

"Pssttt!"

"Argh. Ayoko sa lahat sinisitsitan ako! Di ako aso!"

"Oh? Bakit na naman ba?" inosenteng tanong niya sabay halukipkip. "Feeling mo ikaw yun? *smirks* Para sabihin ko sayo. Di ikaw sinisitsitan ko kundi ayon!" sabay turo niya sa labas ng gate.

"Asan?"

"Tss. Wala na! Umalis na. Titingin ka daw kasi! HA-HA!"

"Bwiset ka Niel! Ginu-Goodtime mo na naman ako!" sabay habol ko sa kanya papasok sa loob ng bahay para paghahampasin siya kaso ang loko mabilis tumakbo may future maging isa sa kabayo ko! Ha-ha! Joke lang!

"Tse! Bwiset ka Niel! Wag na wag kang lalapit sakin dahil malilintikan ka na talaga!" Sigaw ko at huminto na ko sa pagtakbo dumiretso nalang ako sa kitchen.

Tutal maaga pa naman. Hmm? Ano kaya pwedeng gawin? Mag bake ng cake? Muffins? Cookies? or Cupcakes?

"Hmm! Cupcakes nalang!" Bigla akong napangiti ng maimagine ko na magbe-bake ako ng cupcakes. Hi-hi.

Syempre unang-una sa lahat hinanda ko muna iyong mga gagamitin ko next iyong mga ingredients. Wala naman akong problema sa design ng mga cupcakes dahil kumpleto ang laman ng refrigerator dito.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon