Chapter 8 - Are they getting closer?

14.5K 217 9
                                    

A/N: dedicated to FORBIDDEN30, jusmiyo! Gravity kasi! Sobrang mamatay na yata ako sa kilig dahil sa one shot story niya na Who Kissed Me? at Your Crush Posted On Your Wall Try niyo basahin dali!! Maganda rin yung Sino nga ba siya? ^_^

______________________________

Chapter 8 - Are They Getting Closer?


Niel's POV


Maaga akong nagising ngayon at 'di na muna ako kumain ng almusal mas gusto ko na sabay nalang kami mamaya. Ang korni. Mas gusto ko lang may kasabay akong kumain. Yun lang!


Painom-inom lang ako ng coffee habang nag gigitara. Kung anu-anong kanta na ang ginitara ko saka ako huminto. Dahil may pumasok sa isip ko na isang kanta kaya sinimulan ko ng mag picking pattern.


Paulit-ulit kong ginawa yung pinaka unang chords ng kanta na 'yon. Hanggang sa nakuha ko na nga kakakapa ko sa mga ibang chords. Madali lang naman mag strum kaysa mag picking patterns.


(Now Playing TERRIFIED by Katharine McPhee feat. Zachary Levi)


Mayamaya rin nakarinig ako ng naghu-humming at kumanta. Alam niyo na kung sino 'yon.


"You by the light is the greatest find

In a world full of wrong you're the thing that's right

Finally made it through the lonely to the other side"


Napatingin ako sa kanya na nakasandal sa pintuan habang nakahawak sa dalawang kamay niya yung mug ng coffee.


She just smiled at me at parang may anghel na bumulong sa 'kin na ngitian ko rin siya. Kaya ginawa ko.


"You said it again, my heart's in motion

Every word feels like a shooting star

I'm at the edge of my emotions

Watching the shadows burning in the dark,

And I'm in love and I'm terrified.

For the first time and the last time

In my only life."


Hanggang sa matapos 'yong kanta, we just stared to each other. Ako na ang unang nagbawi ng tingin at ngumiti sa kanya.


"Wow! That's amazing!" Sabi ko.


"Psh! Akala ko sasabihin mo na masakit sa tenga yung boses ko," sabi niya sabay inom ng coffee sa mug na hawak niya.


"Ahm. Nag breakfast ka na?" Tanong ko. Mukhang nagulat naman siya dahil for the first time ko yatang tinanong siya kung kumain na ba siya.


"I mean. 'di pa kasi ako kumakain, coffee lang ininom ko kaya sabay na tayo. Tara!" Sabi ko para di na siya mag isip pa ng iba.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon