Chapter 36 - Back Home

8.3K 114 12
                                    

Chapter 36 - Back Home

Lyn's POV



Pagkamulat ko ng mata ko ay napabalikwas pa ako ng bangon. Nagtaka pa ako kung bakit parang lumaki ung kwarto saka ung kama na tinulugan ko.



And I realize na nandito ako sa dating kwarto ko.. nandito na ako sa bahay namin..



Binuksan ko ung isang glass window, napangiti ako ng maalala ko na dito sa terrace na to tumalon ako nung tumakas ako.



At nalaglag ako sa sasakyan ni Niel..



Doon na nagsimula lahat ng pagiging housemate namin. Bumalik lahat ng alaala noong kasama ko pa siya..



namalayan ko nalang na tumutulo na naman ang luha ko.. I wipe it away then I sigh.



"Goodmorning Lyn!" masayang bati ni Lawrence pagkapasok niya sa kwarto ko.



"Hey! Bakit ka may dalang pagkain?"



"Breakfast in bed to noh. I cook this for you. Come on Lyn." hinatak na niya ako pabalik sa kama ko.



"Seryoso ka kakain ko lahat to?" sabay turo doon sa pagkain habang nakatingin sa kanya. Pano ba naman kasi may ham, hotdog, sunny side up egg, bread and may garlic rice din saka hot chocolate..



"Pumapayat ka na. Kainin mo lahat yan para di ka madepressed sa pagbebreak niyo. Saka nag effort talaga akong lutuin yan noh."



Naalala ko nung magkasama pa kami ni Niel nilulutuan niya ko ng breakfast o kaya ako ung magluluto...Sinimulan ko na kumain habang siya nandoon sa couch at panay text.



"Lawrence, alam ba ng secret girlfriend mo na---"



"May fiance ako?" putol niya sa sasabihin ko. Tumango ako.



"Alam niya. Kaya nga mahal na mahal ko yun dahil understanding siya. Oy! Secret lang natin yon ha? Hindi pa alam ng parents ko yun saka ng parents mo baka kasi pag nalaman nila patirahin tayo sa ibang bansa."



"Okay! Buti ka pa. Kayo pa ng girlfriend mo." nilantakan ko nalang ung hotdog saka sumubo ng kanin.. sa pagkain ko nalang ibubuhos ang lungkot ko..



"Kayo naman kasi nagbreak pa..Tsk! Saka Lyn favor lang ha? Pwede bang wag ka munang lumapit kay Nick?"



"Teka! Bakit parang lahat kayo ayaw niyo kong palapitin kay Nick."



"Basta! May balak ako para di matuloy ang kasal natin. ^_____^"



"Ituloy mo ung balak mo. Pero di ko magagawa ung hindi lapitan si Nick afterall he's my friend and my bestfriend before. Sige tapos na ako kumain." dumiretso na ako sa tapat ng banyo pero hinarap ko ulit siya.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon