Chapter 23 - With Girls/Tears

11.5K 141 14
                                    

A/N: Namiss niyo na ba si POLLYANNA REYES?? HAHA! XD sige na read niyo na..habang sinusulat ko to pinapakinggan ko paulit-ulit ung Kiss in the Rain ni Yiruma :)

~~ This chapter is dedicated to aine_tan (Unnie!! dalang-dala ako sa ending ng story mo na GAME OF LOVE..grabe lang sobrang iyak ko talaga dun, hindi ko parin matanggap na ganun nangyari kay Jin Charel Tan..huhu! Naiiyak nanaman ako..ang ganda na kasi eh..magpopropose na si Gab tapos biglang ganun nangyari..wahuhu! Pero love na kita kasi pinaiyak mo ko..at ang ganda ng flow ng story mo na yun..bravo! chapter 10 pala ako sa book 2..hehe! yun lang..)


__________________________________________________________

Chapter 23 – With Girls/Tears

Three days! Three days nang wala si Niel tapos wala rin akong balita sa kanya. T_T Nakakainis siya di manlang siya tumawag maski mag text hindi rin nagawa. Nag aalala lang naman ako sa kanya eh.


Pumunta muna ako ngayon dito sa Park naglakad-lakad lang saka ko naisipan bumili ng Rocky road ice cream sa ice cream parlor. Then dumiretso na ako sa Garden.


Dito rin kami pumunta nun ni Niel. Kaso wala siya ngayon dito. Miss na miss ko na siya. Umupo muna ako sa bench na nakasilong sa puno at dinaan ko nalang sa pagkain ng ice cream ung pagkainis ko sa kanya.


"I miss your love since you've been gone, I've find it hard to go on.

The summer sky, don't mean a thing, I thought I've always be strong."


Napalingon ako sa pinanggalingan nung boses. At parang natulala pa ko dahil sa nakita ko sila. Nakangiti lang sila sakin at unti-unti rin akong napangiti.


"Bhest?! Besty Alexa Ramirez!" Tumakbo ako papalapit sa kanya saka ko siya niyakap.


"Grabe! Oy Lyn di ako makahinga. Nasan na ung BF mo? Ipakita mo sakin now na!"


"Ahm..wala siya ngayon dito nasa Manila. Inaasikaso ung business nila doon." Napatingin naman ako sa mga nasa likod niya. "Waaaaahh! Tricia, Aya, Yuna, Cyan, Eliza? Im so glad na nandito rin kayo." Niyakap ko silang lahat. At ang ingay namin dito.


"Kainis si pinsan! Iniwan ka dito. Naku! Yari sakin yun si Niel." –Tricia


"Okay lang yun, Triz."


"Uhm, pwede ka ba ngayon? Yayain ka sana namin mag mall. Hangout tayong pito." –Aya


"Sure. Kaso di pa ko nakakapagpaalam kila Tita."


"Don't worry Lyn. Pinaalam na kita. Dahil galling kami dun and sabi nila Tito nandito ka daw. Kaya halika na mag mall na tayong lahat." Hinatak na agad ako ni Tricia papunta sa sasakyan na color black na BMW.


"Girls! Iba naman mag drive. Ako na nag drive papunta dito eh." –Cyan


"Osige ako na mag drive. ^_^" –Yuna


"Marunong ka?" sabay naming tanong ni Bhest Alexa.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon