Chapter 2 - Conditions

18.5K 310 25
                                    

(EDITED)

CHAPTER 2


"Hijo, siya na ba ang girlfriend mo?" ngiting-ngiti na sabi ng nanay niya? Teka! 'Di niya rin kamukha? Baka ampon ang isang to! Malay natin.

"She's not my girlfriend," matigas na sabi niya. Edi sino pa? Edi si Niel... Hinayaan ko nalang siya at tumingin nalang ako sa dalawang tao na nasa harapan ko.

"Hindi ba?" sabay na sabi ng kanyang mudra at pudra.

"Sus! Kunwari ka pa hijo. Sino bang lalaki ang magdadala ng babae sa bahay kung walang relasyon?" sabi naman ng Tatay niya. Napaisip ako du'n bigla. Meron po! Gusto ko sanang sabihin. Mayroon naman talaga, bilang kaibigan o kaklase. Right?

"Baka naman nabuntis mo yan?" histerikal na sabi naman ng Nanay niya. Lumaki bigla ang singkit kong mga mata ng ma-realize ko 'yun.

"Tss. Hindi ko po 'yan nabuntis, Tita. Asa naman!" Napakamot pa siya sa ulo. Ahh okay Tita niya at Tito niya 'tong mga ito! Pero grabe siya makapagpoker face na akala mo'y hindi niya gusto ang ideyang girlfriend niya ako na naiisip ng kamag anak niya. I'm beautiful, my mom and dad said. 'Cause I am their one and only beautiful princess. Also, sinasabi rin 'yan ng mga nagkaka-crush sa'kin na maganda nga raw ako. Syempre I will just smiled to them, pa-humble kumbaga.

Ehem! Kung nakakamatay lang ang masamang tingin malamang kanina pa sana ako nakahandusay dito.

"Haha! Buti naman hijo sundin mo lang ang payo ko na pakasalan mo muna bago mo pondohan," Tito niya ang nagsalita. Ano raw 'yun?

"Eh hija, ano bang pangalan mo?" tanong sa akin ng kanyang Tita.

Patay! Ano bang sasabihin ko na ako si Prislyn Saige Gomez Villano? Hindi pwede iyon! Hindi maaari! Baka bumalik ako ng wala sa oras sa amin! AYOKOOOO!

"Lyn po," sagot ko at ngumiti ng ubod tamis. Taimtim kong pinapanalangin na sana'y hindi nila ako mamukhaan.

"Kay gandang pangalan bagay na bagay sa iyo dahil maganda ka," nakangiting sabi ng ginang.

"Salamat po," yumuko ako ng kaunti habang ngumingiti.

"Niel, ihatid mo na siya sa magiging kwarto niya para makapagpahinga na at mamaya ay kakain na tayo ng pananghalian. Hija, ako nga pala si Tita Sally at ito ang aking asawa na si Tito Romel. Oh siya sige pumanhik na kayong dalawa sa itaas."

Ang bait niya. Ang bait nilang dalawa ni Tito Romel sa'kin. Para akong biglang nahiya. No. Kanina pa ako nahihiya kaya ang hinhin ng kilos ko pati sa paglalakad at pag akyat ng hagdan. Saka hindi naman nila ako kilala pero pinatuloy parin nila ako sa pag-aakalang girlfriend ako nitong lalaking nauuna nang maglakad sa'kin papanhik sa pangalawang palapag ng bahay.

Napatingin ako sa puting-puti na pader habang paakyat ako ng hagdan. May mga picture frame doon. Isang medyo may kalakihang landscape na litrato ang umagaw sa pansin ko kaya tinitigan kong maigi. Marami sila, magkakamag-anak siguro silang lahat. Nasa gitna sila Tita Sally at Tito Romel habang nakaakbay sa isang binatang lalaki na anak siguro nila. Nang mapadako ang tingin ko sa bandang kanan, nakita ko roon si Niel. Medyo bata pa siya dyan, nadaanan ng tingin ko 'yung kasama niya. Parang pamilyar.

"Hey!" Nagulat ako ng tawagin niya 'ko. Nakatayo siya sa bandang dulo sa kanan. Doon siguro ako makikitulog muna. Nahihiya talaga ako, deep inside. Pramis!

*

"Magkaalaman nga tayo! Hanggang kailan ka dito? Ni hindi nga tayo magkakilala eh," Inis na tanong niya sakin ng matapos kong tignan ang kabuuan ng kwartong ito. Simple lang siya at ang wallpaper ay kulay light yellow na may mga design na small white flowers. Cute!

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon