Chapter 25 - Couple Momentum

10.2K 144 4
                                    

Question: Author, bakit po walang kissing scene sa Date nila Lyn at Niel?
Answer: Wala ako sa mood mag type ng laplapan este kissing scene with feelings..baka may batang 10-12 years old na nagbabasa nito.. :)))

~ Babala: Ang kabanata na ito ay pawang puro kalandian lamang ay mali pala..wag niyo nalang masyado seryosohin! Inaantok kasi ako pagdating sa kalagitnaan nito..hehe! ^_^V

Dedicated to MelLastima (Unnie! Kahawig mo ung classmate ko..hehe! ^_^V)


__________________________________________________________



Chapter 25 - Couple Momentum



Maaga akong nagising ngayon syempre nagexercise muna ako bago bumaba para mag almusal.



"Goodmorning Tita Sally and Tito Romel." ^_^ Bumalik na kami dito ni Niel dahil gusto na daw niya at feeling ko talagang nagmamadali talaga siya kahapon.



"Goodmorning din, hija. Sige na maupo ka na at mag almusal."



"Uhm, Tita hindi pa po gising si Niel?" tanong ko. Baka kasi lumabas lang.



"Hindi pa nga eh. Gisingin mo na kaya ung tulog mantika na yun? Para sabay na kayong mag almusal."



"Okay po." umakyat na ako uli sa taas.



Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya syempre kumatok ako baka mamaya niyan eh nagbibihis pala yun. Magkaroon pa ng kasalanan tong inosenteng mata ko.



Nakalimang katok na ako pero hindi parin niya binubuksan kaya binuksan ko nalang. At unti-unting sumilip. Sa itsura kong to para akong nasa isang haunted house na tinitignan muna ung loob bago pumasok. =_____=



"Niel..gising na.." I tried to poke him on his arms many times, pero ayun tulog parin. Naalala ko dati nung ginising ko siya sa terrace gising na pala siya nun.



Naisip ko tuloy na baka pinagtitripan ako nito. Pero mukhang hindi naman eh, tulog na tulog. Tulog mantika! -_____-



Di pa naman siya gising kaya I traced my finger on his eyebrows down to his nose..hihi! Ang cute lang niya..di naman niya alam na tinititigan ko siya.. ^_____^



"Niel gising na!" Wala ayaw parin! Tumalikod pa sakin tapos nagtakip ng unan sa tenga. =_____=



Naupo nalang ako dun sa gilid ng kama niya at tinignan ung kabuuan nitong kwarto niya. Malinis walang kalat! Di naman sa pakielamera ako binuksan ko ung drawer niya at nakita ko dun ung isang box na maliit.



Kinuha ko iyon, di pa niya yata talaga nabubuksan. Gusto niyo malaman ang laman nito? Isang papel. Sinulat ko dun kung sino talaga ako at kung bakit ako napunta dito sa lugar na to pero alam na niya lahat eh.



Kaya kinuha ko nalang ung box at nilagay sa bulsa ng jacket ko. Saka ko nalang to ibabalik sa kanya kapag umalis na ko dahil babaguhin ko ung nakasulat doon sa papel.



"Niel.." kinuha ko ung unang nakatakip sa tenga niya, good! Hindi pumalag. Saka ko siya hinampas ng hinampas. "Oy! Niel! Tulog mantika ka! Gumising ka na! Alas tres na!" kahit alas otso palang naman. :)))

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon