Chapter 30 - Treasure Hunt

8.6K 117 10
                                    

Dedicated to wheng20_marte siya po ang isa sa reader ko na mula ng magsimula ako dito hanggang ngayon talagang binasa niya lahat ng gawa kong storya. Maraming salamat po. =)



Chapter 30 - Treasure Hunt

Lyn POV



Okay na kami ni Niel kaya wala ng selosan na magaganap sa pagitan naming dalawa. Yun nga lang hindi ko matanggap na magkapartner sila ni Polly sa treasure hunting na gagawin namin ngayon.



Panigurado pakana nanaman to nila Paul. Pero sabe nga ng iba wag masyado magbintang. Malay nating sinuggest nila to kay Celine para hindi kami mabored ngayong araw.



"4 girls at ang partner nila ang kasama nila. May map na binigay sa mga boys, gamitin niyo yan. First team on yellow - Tricia and Christian, Red Team - Lyn and Carl, Green Team - Alexa and Nick, lastly Blue Team - Polly and Niel...5, 4, 3, 2....and 1! Go START!"



Tumakbo na kaming walo papasok doon sa forest. Tinignan agad namin ung map at nakita ko ung kulay ng mga lines at bukod ang dadaanan namin sa ibang team.



Parang ayoko na! Isipin ko lang na magkasama sila ni Polly parang..aarrgghh! Sabe nga diba wag magselos masyado?! Lyn! Focus and be open minded!



"Carl ganito talaga sa forest noh? Wala kang ibang maririnig kundi huni ng mga ibon saka pag humangin ung mga dahon ng puno nagkakatamaan kaya parang may sounds na rin..hehe!" salita lang para di awkward.



Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "Hey! Ayun na ung first treasure."



Agad kaming lumapit doon saka binuksan...at ang laman sulat papunta sa 2nd treasure saka picture ni Paul at Francis na magkasama. -___-



Seriously, magpapakahirap ba kami sa larong to para sa ganitong bagay lang? Cool ka lang Lyn masyadong hot eh.



Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Carl hanggang sa makita namin ung pang 2nd na ang laman couple shirt at may papel ulit na suotin daw namin yun at may headband pa doon na may malaking ribbon kaya nilagay ko nalang din.



"Haha! Ang cute mo talaga Lyn. Kahit pa noong highschool tayo ano?"



"Huh?"



"Wala. Uhm, may kamukha ka kasi na naging kaibigan ko noon. Tara puntahan na natin ung pang 3rd."



Nauna na siyang maglakad habang nakasunod lang ako sa kanya. Iniisip ko ung sinabi niya kasi hindi ko man sinasabi may isang bahagi ng pagkatao ko na parang naging malapit na rin sakin si Carl at dati may mga napapanaginipan ako na paulit-ulit lang nangyayari kaya di ko nalang pinapansin.



Nung highschool ako ang natatandaan ko lang simula ng lumipat kami ng ibang lugar sinabi sakin ni Dad na nadisgrasya daw ako kaya makalipas ang isang linggo tumira kami sa America para sa pang gagamot sakin doon.



Ang sakin lang naman kasi okay lang naman ako nun pero habang tumatagal parang may gusto akong linawin at malaman na nawala sa alaala ko. Kaso sumasakit lang ang ulo ko kaya hindi ko na pinilit pang maalala yon.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon