Chapter 10 - Jealous?

12K 215 9
                                    

A/N: SOFT COPIES of my stories will be posted soon on my website. =)

Dedicated to ate Chums/Kah Ramirez =) Sa lahat kasi ng nabasa kong story dito sa wattpad si AVAH CHEN lang talaga ang pinakaFavorite kong Character na Maldita pero BIDA! ^_____^ At havey na havey sakin ang unang pagkikita ni Neo at Avah sa Resort ni Donna..haha! XD NagbaBangayan kasi sila pero nakakakilig! *u*

__________________________________________________________



Chapter 10 - Jealous? Huh?



Someone's POV



"Ano ng balita sa anak ko?"



"Sir, everythings alright at nasa maayos na kalagayan naman ang anak niyo. At nakatira siya sa dalawang mag asawa sa probinsya. Ayon sa nakalap ko ayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanya."



"Sino pang tao ang nakaalam na nandoon siya sa lugar na iyon?"



"Isang taong napakahalaga sa kanya. Na nilihim lang na may alam sila tungkol dito."



"Ok! Good job! Magsubaybay ka pa sa lugar na iyon. Pero wag kang magpapahalata sa kung ano mang pakay mo roon dahil baka madali kang maamoy ng anak ko na may binabalak ka."



"Yes, sir!"



"You can go now."



Lyn's POV



Nang malaman ni Tita Sally at Tito Romel ung nangyari sakin. Dinala agad nila ako sa clinic para ipaCheck-up kasi baka daw nabali buto ko or nagkapilay na ako.



At thankful talaga ako sakanila kasi kahit na di nila ako kamag-anak nagkeCare parin sila sakin. Kahit na di nila alam kung saan ako nanggaling at kung anong angkan ang meron ako.



Kanina talagang napahagalpak talaga ako ng tawa kasi paano ba naman piningot ni Tita ung tenga ni Niel dahil sa nalaman niya at parang gusto pa niyang paluin to ng walis! ^_____^



Pero kahit na ganun ang sweet nilang mag Tiyahin. Kasi agad na nagpakaSweet si Niel sa tita niya para di na siya pagalitan at binuhat pa niya ako papasok dito sa hospital.



Kaya alam ng mga nakakita na may relasyon talaga kami kahit na sa loob-loob ko peke lang ang lahat. Ayus lang! Matatapos din naman to kapag bumalik na ako sa amin.



Hindi pa siguro sa ngayon pero alam kong malapit na wag lang talaga akong mainlove kay Niel kasi sigurado mahihirapan akong sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sakin.



Pero sabi nga ng iba kung talagang mahal ka ng isang tao tatanggapin niya ng buong-buo kung ano ka man dahil mahal ka niya.



"Lyn can I talk to you?" tanong sakin ni Tricia ng makapasok siya dito sa ino-occupy kong room.



Kasi naman ayaw nila Tiya akong pauwiin hanggat di nalalaman ng mabuti ung results ng test na ginawa sakin kanina.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon