Chapter 40 - 10 Months Passed...

8.4K 130 22
                                    

Chapter 40 - 10 Months Passed...



Sampung buwang ang nakalipas ngayon magbabalik na ulit ako sa bansang to. Bakit? Dahil 1 week after kong pumunta kila Tita Sally pinilit ako ni Lawrence na pumunta muna kami ng Paris para makapag move on.



Nag aral na rin ako doon para malibang-libang ako pinagpatuloy ko nalang doon ung course ko at pinagbutihan ko para graduate na ako agad ng college.



Masasabi kong nagbago ang panlabas na anyo ko dahil nag bago ang taste ko sa pananamit at may bangs parin naman ako at may pagkaCurl na lalo ung ibaba ng buhok ko na hanggang bewang pero ang pagkatao ko hindi nagbago.



Mahal ko parin naman siya. Kahit na nasa Paris kami hindi ako naging interesado sa mga lalaki na nagpapalipad hangin sakin kahit na gwapo sila.



Mas gwapo parin naman si Niel Joseph Fadell..diba? Wag na kayong umangal!



Anong nangyari samin ni Lawrence? Ayun in good terms kami saka friends lang kami nun kaya no problem guys! And nakilala ko na rin ung girlfriend niya na doon pala nag aaral and someday sikat na fashion designer na yun.



At isa pa sa dahilan kaya ako niyaya ni Lawrence doon para makita na niya ang girlfriend niya na si Gabbie. -___- Oh diba? Naisahan ako? Sila ang sweet sweet tapos ako broken hearted!



"Hoy! Prislyn ung napagusapan natin ha? Wag mong sasabihin sakanila muna na girlfriend ko tong si Gabbie baka gusto mong matali agad sakin?"



"Tss. As if naman gusto kong makasal sayo! Hmp!" Tinarayan ko nalang siya. Kasama namin ngayon si Gabbie na naging kaibigan ko narin at magbabakasyon daw siya dito.



At itong si Lawrence tuwang-tuwa. Yun nga lang! Dobleng pag iingat ang gagawin naming tatlo para di kami mabuking na GF ni Lawrence si Gabbie na kaibigan ko na.



* * *



Iniwan ko muna sa taas sila Lawrence at Gabbie to give their some privacy. Wala naman dito ngayon sila Mom at Dad dahil nag out of the country ung dalawang yun.



"Waaaahhh! Bhest! I REALLY MISS YOU! HUHU!" niyakap agad ako ni Alexa pagkarating niya dito sa bahay.



"Teka lang Alexa. Di ako makahinga!"



"Ayt sorry. Namiss talaga kasi kita. Akalain mo yun bhest graduate ka na pala sa Paris. Kainis ka! Kala ko dito ka magpapatuloy ng pag aaral."



"Sorry bhest kailangan ko kasing gawin yun para di ko siya masyadong isipin. NakakaStress yung ganun."



"Pero okay lang yun kung dun ka nagtapos..kyaaahhh! Ang ganda ganda mo na lalo bhest! Hihi!"



"Pareho lang tayo. Inlove ka ba?"



"Hoy! Hindi ah." nag iwas siya ng tingin sakin dahil namumula ung pisngi niya.



"Ehem!" Napatingin kaming dalawa ni Alexa doon sa nagsalita.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon