Agad kong pinatay ang tawag at nag-focus sa group chat na ngayon ay napaka-ingay na.

Anne: HAPPY ANNIVERSARY, HOT-AIR BALLOON!
Hala sige! Pustahan talaga tayo, ako talaga ang huling magkaka-lovelife dito. Sana naman si Dr. Storm yan, 'no? CONGRATULATIONS! MADIDILIGAN NA! Makahanap nga din ng lovelife sa hospital kapag nakalabas ako ng laboratory, ano?

Amelle: Congratulations, Kiel! Hahaha! Happy anniversary, Teyah! Nasaan si Thea?

Teyah: How about never, Anne? Never ka nang magkakaroon ng boyfriend. Hihi. Thanks guys.
Katabi ko ngayon si Dreigo, but...but... the kids are in between us. Kung hindi ko lang mahal
itong kambal na ito baka ipinamigay ko na. I bet Thea's busy. Valentines ngayon, hindi ba? Wala ba kayong mga date?

Anne: Ayan! Ayan! Kakasabi ko lang na wala... ipapamukha pa. Nakakasakit na kayo.
Makalayas na nga lang at bibili ako ng sarili kong chocolate. Hmp.

Reading their exchanges made me laugh and even miss them. Hindi na kasi katulad dati na anytime, pupuwede magkita. Pero masaya ako dahil they've found their happy endings at magaganda ang career namin.

"Kiel?" rinig kong tawag ni Tita Lucy sa akin mula sa pinto.

"Bakit po, Tita?"

"Nandito na si Storm. Pinaupo ko muna sa salas. Bakit hindi ka pa ready?" tanong niya nang tingnan ang nakabalot ko pang buhok.

Napatingin ako sa orasan at agad na nagpaalam sa mga kausap ko. Tumayo ako mula sa kama at inayos ang damit ko. I'm wearing a long khaki playsuit and I think I'll let my hair as it is. Wala na rin naman akong oras i-blow dry at iayos pa.

Agad akong bumaba at saka dumiretso sa shoe cabinet. Kasalanan talaga ng mga kaibigan ko kung bakit ako nagmamadali. Naku!

Mabilisan ko ring isinuot ang gladiator sandals na una kong nahablot at nagtungo sa living room. Napahinto ako nang makita siya kumportableng nakaupo at nakikipag-usap kay Karl.

He's wearing a dark green polo shirt that fits him perfectly making me want to bite his biceps. He was seated pero kita ko ang suot niyang dark jeans at trainers.

After a few seconds, napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin akong nakatayo lang sa hambana papasok ng salas. Ngumisi siya nang mabilisan akong tingnan mula ulo hanggang paa. Napaikit ang mata ko sa ginawanniya na siyang dahilan para tumawa siya nang bahagya. Tumayo siya at agad na lumapit sa akin.

"Hey, my lady," bati niya bago ako bigyan ng halik sa labi.

"Hi," matipid kong bati habang parang tanga na nakangiti sa kanya. Umakyat ang kamay ko sa bandang leeg niya at sinapo ko ang pisngi niya sa kamay ko.

"Happy Valentine's, boyfriend," I greeted him in a sigh as I see him smiling amusingly.

Napasilip ako sa likod ni Storm nang marinig kong parang sumusuka si Karl kung nasaan siya. "Karl," I warned.

He mocked salute at me before taking a pic. "I-send ko kila Mommy. Sabihin ko famous boyfriend mo."

Sasagot pa sana ako pero inagaw ni Storm nang lumayo siya nang bahagya at bumati, "Happy
Valentine's."

Hinarap niya sa akin ang isang bouquet ng white lillies arranged beautifully. Para bang may kumikiliti na naman sa sikmura ko.

"Thank you. Hindi pa na sana nag-abala pa."

Hindi ko mapigilan ang malawak na ngiting lumandas sa labi ko. Agad akong naghagilap ng vase. Tinulungan ako ni Tita Lucy na ayusin iyon at itinaboy na ako palayo.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now