SA 30 - The

1.9K 67 9
                                    


SA 30 - The





CAS' POV



Mamaya na babalik si Electra dito after ng trabaho niya na out of town. I promised na susunduin ko siya mamaya sa terminal but for now.. I'm stucked here on a lunch with my family and Ren, Sander's wife to be.



I was just looking at them, both Sander and Ren. Ang awkward nilang dalawa, si Sander lang yung halos nagsasalita tapos si Ren tatango lang o kaya iiling. Pero di na ako nagtaka sa inaasta ng dalawa. Sinabi sakin ni Sander na hindi niya girlfriend si Ren, parati lang silang magkasama pero walang sila. Patay na talaga!


"Ren? Ano nga ulit whole name mo?" Mom asked Ren.


Nagulat naman si Ren siguro kasi kinakabahan siya. Uminom lang ako ng iced tea ko saka chineck ang phone ko kung may text si Electra sakin.


"Serenity Janine Sah po ma'am." Mahinang sagot ni Ren. Tumango naman si mommy. "Don't call me ma'am. Mommy nalang, ikakasal na naman kayo ni Sander diba?"



"Ah.. opo." sagot ni Ren sabay tingin kay Sander. Tiningnan lang din siya ng kakambal ko saka tumango.


God knows where the old Sander is. What I can see now is a very problematic one.


"Tell me kung kelan babalik ang parents mo from Macau ha? Para makapagusap kami." bilin ni mom kay Ren.



Tahimik na akong kumain, wala din naman akong sasabihin. And it would be very gay if I'll comfort my twin now on a public place. Mamayang gabi din naman pupunta na naman yan sa kwarto ko, aayain akong makipaglaro sakanya tapos dahil di siya maka-concentrate ay ako yung mananalo. Oo nananalo na ako laban kay Sander sa mga games niya na dati-rati ay napaka-imposibleng paniwalaan. Tapos pagkatapos naming maglaro, pasimpleng iiyak na naman siya kasi di na talaga alam kung anong gagawin hanggang sa makakatulog na siya sa couch ng kwarto ko.

We were never affectionate. Dati pa lang nung maliit pa kami, kalaro lang kami. Sa tuwing madadapa ang isa, hihilain lang ng isa tapos patatayuin saka isusumbong kay mommy o kaya kay daddy. Pero ngayon, iba na eh. Kailangan ni Sander ng kuya niya. At bilang nakakatanda sa aming dalawa ay gagawin ko ang lahat para mapagaan ang loob ng kakambal ko. Kasi ang problema ko di naman niya sinasabi ang lahat eh.



Tinititigan ko si Sander ngayon, what happened Nath? What the hell is the real problem?




Hindi ko alam kung paano pero ang naiwan nalang sa table namin ngayon ay si Ren at ako kaya I'll take this chance to talk to her.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن