SA 10 - See you smile

2.4K 61 1
                                    

SA 10 - See you smile


CAS' POV


Andito kami sa hotel ng tito Bryle ko. Dito kasi magse-celebrate ng birthday si mommy.

Its not that grand birthday celebration, she always wants a simple party for herself, that's why family and close friends lang ang andito.


"Kuya Cas, can we go to the chocolate fountain?" this is Micah, Tita Michelle's daughter. Karga karga ko kasi ang bata.


I nod at her saka dinala siya sa may chocolate fountain. Tuwang-tuwa naman ang bata. Well.. kids. Hahahaha.

Nagpakuha siya ng marshmallow sa buffet kaya kumuha naman ako tapos tinapat sa fountain tapos sinubo sakanya. 

Laking America kasi 'tong si Micah. Malamang dun nagmo-model ang nanay, tapos dito ako lang naman ang gustong lapitan saming magpipinsan. Sabagay, gwapo eh. Hahahaha.


"Tatay na tatay ah." pangaasar ni Sander sakin kaya binulong ko kay Micah na mag-make face sa kambal ko kaya sinunod naman niya.

Tawang-tawa tuloy kami ng kambal ko. Sinubuan ni Sander si Micah ng cookie tapos kinain niya rin yun tapos umalis na rin kakambal ko, makikipaglaro pa sa mga pinsan naming lalaki eh. 


"Where do you want to go next, little girl?" I asked Micah. Kasalukuyan niyang nilalaro ang collar ng polo ko.


"aksjdkshdskf.." she murmured.


"Huh?"


"jsdhskdakda.."

Masyadong siyang busy sa paglalaro sa collar ko kaya di siya nagsasalita ng maayos. Kaya tumabi na lang ako kina mommy na nagkekwentuhan habang kandong-kandong si Micah.

Hinalikan ni mom yung cheeks ko tapos kay Micah din. Maiinis sana ako kaso naalala kong birthday ni mommy kaya okay na. Hahahaha.


"Walang gift ang Allen ko sakin?" nag-pout pa si Mom habang nakasandal kay dad.

Nginitian ko naman siya. 

"Pwede bang wala? Meron po. I'll give it to you later." I smiled at her kaya niyakap ako ulit ni mommy.


Kahit sobrang clingy 'tong mommy namin, mahal na mahal ko 'to. 


Kinuha ni Ate Shauna, anak ni tito Bryle si Micah sakin kaya nilapitan ko na si mommy tapos hinalikan ang forehead niya.

"Allen.." she hugged my waist.


Binigay ko sakanya yung gift ko. "Open this later mommy, okay? Dapat last, kahit alam kong nag-aagawan kami ni dad sa last gift mo." tumawa ako.

"I will anak. Thank you talaga."


"Happy Birthday Mrs. Aleena Misty Castillo." pagbibiro ko sakanya, kinurot lang naman niya ang cheeks ko.

"I love you Allen. Ikaw, si Nathaniel pati ang daddy niyo. Kayo lang ang buhay ko." naiiyak na si mommy tinatago pa niya sa tawa.

Kaya niyakap ko na lang siya saka pinunasan yung mata niya kahit wala pa namang luha.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now