SA 6 - Great Wall Of Cassander Allen

2.7K 66 6
                                    

SA 6 - Great Wall of Cassander Allen


ELECTRA'S POV



Maaga akong nagising ngayon; sobrang aga na tulog pa ang papa ko na naturingan na 'Early bird'. Sinubukan kong makatulog ulit pero hindi ko na makuha ang tulog ko. 

I decided to wash up already at magsimula nang magsaing, mamaya pa darating ang mga katulong ni papa sa pagluluto kaya mas mabuti nang may nasimulan na ako bago pa sila dumating.

Nang matapos ko nang magsaing ay naligo na ako at naghanda ng pandesal at mainit na kape para kay papa, ganito ang madalas naming kinakain bago kami mag agahan. Ganyan kami eh, nakasanayan na rin namin.


"Ang aga ng prinsesa ko ah." bungad ng papa sakin nang maabutan ko siyang nag-aayos ng hinigaan niya.


"Papa naman. Maaga lang pero hindi prinsesa." nginitian ko siya.


"Prinsesa kita, okay? Noon, ngayon, at bukas." pagsesenti ni papa.


"Ang drama, oo. Magkape ka na nga po." pangaasar ko sakanya.


Kaya ayun, matiwasay kaming nagkakape ng tatay ko nang marinig namin ang malalakas na yabag ng paa sa hagdanan namin. 

"Jusko ano na namang problema?!" tanong ko kina Bettina at Aya na ngayon ay nasa harapan na namin ni papa.


"May pa-contest! Sa mall sa susunod na linggo." nagtatatalon pa si Aya.


"40,000 ang premyo ng first place." kahit si Bettina di maitago ang tuwa.


"Kailangan mong sumali!"


40,000 ang first place? Malaki na rin yung halaga. Malaking tulong yun para samin. Mabuti na lang talaga at maaasahan ang pagiging chismosa netong dalawa kong kaibigan kundi ewan ko na lang kung san ako makakahanap ng diskarte.

Siyempre bilang pasasalamat ko sa pag-inform nila sakin tungkol sa contest ay pinakape ko na rin sila. Hahaha. Nagreklamo pa sila kung may cream ba daw kaya sinapak ko na. Aba!


"Oh aalis na ako. Kailangan pa ako sa trabaho kaya wag kayong magpapasaway kay papa ha." bilin ko sa dalawa kong maaasahang baliw.


"Siyempre naman. Kami bahala kay papi." inakbayan pa ni Bettina si papa kaya pareho kaming natawa.


Sumakay na ako ng jeep papunta sa Sweet Mist, dito ako sinamahan ni Cas para makahanap ng bagong trabaho. Ayaw na raw niya akong nakikita sa bar kasi baka mapagtripan na naman daw ako.

Siyempre payag na ako, ayaw ko nang maulit yun. Masyadong nakakatakot.

Sabi niya nanay daw niya ang may-ari ng Sweet Mist. Marami na raw itong branch at franchises sa loob at labas ng bansa, nahiya nga ako nung nalaman ko yun kasi baka sabihin ng mommy niya ginagamit ko 'tong anak niya kaya ko naging kaibigan pero sabi niya wala daw yung problema kaya kampante naman ako.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ