EA 4 - Reformatting

1.6K 53 1
                                    


EA 4 - Reformatting





CAS' POV




I am still staring at her even if we are in the school registrar. 

Nakaupo si Psyche sa chair habang si Electra ay nakatayo lang sa gilid. Itong si Terrence lang naman ang kumakausap samin eh.


Di ko alam kung sinasadya niya o ano na di ako pakausapin kay Electra. Ang sarap din basagin ng bungo neto eh.



"Tito papa, you have to sign the paper." di ko napansin na hinihila na pala ni Psyche ang polo ko kaya wala sa sarili kong pinirmahan ang enrollment form niya.



"That's it. Psyche your class starts tomorrow but Teacher Felice won't be your teacher. Her classes are full already." pagpapaliwanag ni Terrence sa pamankin ko.



Agad ko namang tiningnan si Electra. Diba sabi niya kay Psyche kanina na kung ngayon mag-eenroll si Psyche ay gagawan niya ng paraan para makapasok siya sa classes niya. Paano nangyaring sa ibang teacher na enroll 'tong pamangkin ko.



"Huh? But Teacher Felice told me that she'll be my teacher is I'll enroll now." kitang-kita sa mukha niya ang lungkot.


Napansin kong nagkatinginan sina Rence at Electra and there I immediately knew. Sinadya nila yun, pero bakit? Labas ang pamangkin ko sa kung anong meron sa aming tatlo. Hindi nila pwedeng idamay siya.



"Teka lang Rence pero narinig ko na sinabi ni Electra kanina na sa class niya ipapasok si Psyche. Ba't ngayon di na?" 



"Si Felice ang nagsabi nun pre. Si Felice." di ko mapigilang mahigpitan ang hawak sa inuupuan ni Psyche sa kapreskohan ng lalaking 'to. "Minsan naguguluhan at nakakalimutan ni Felice na puno na pala ang classes niya." At talagang nakuha niya pang ngumiti sakin ha.



Nakita ko naman na ang lungkot ng ekspresyon ni Psyche. "I wanted her to be my teacher because she's so great." she mumbles.



Tiningnan ko naman si Electra na nakatitig lang kay Psyche nang napansin niyang nakatingin ako sakanya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at kunwari ay may tinitingnan sa phone niya.


Basang-basa parin kita, kilala kita Electra. Magbago man ang pananamit, pananalita, pagkilos, at pangalan mo. Ikaw at ikaw parin yung babaeng minahal ko.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now