EA 8 - Savior

1.5K 54 2
                                    

Special announcement at the end of this update.

EA 8 - Savior




CAS' POV




I watch my niece playing with her classmates. Mamaya pa daw magsisimula yung performance nila para sa mga lolo at lola dito. 

Nakaupo lang ako sa pavement sa gilid ng lawn ng foundation na ito, maya-maya din naman ay aalis na ako dahil papunta na dito sina Ren at Sander para samahan ang anak nila, napag-utusan lang naman ako ng nakababata kong kambal na samahan muna ang anak nila papunta dito kasi may dadaanan pa sila ni Ren sa bago nilang negosyo.



I looked at her again. Hindi ko alam kung napansin ba niyang andito ako o wala, but it doesn't really matter. Why would she bother looking for me when in fact I'm just an useless ass for her.


Kinakausap niya ang mga organizers at kitang-kita ko sa mukha niya ang saya, parang siya at siya parin yung babaeng mahal na mahal ako dati.




After that night ay pinili ko munang umiwas sakaniya. Di ko alam kung ano talaga yung pinaka dahilan ko pero ang tanging naiisip ko lang ay nasasaktan ako ng sobra. Iba siguro pag yung galing na sakanya ang nagsabi na napakawalang silbi ko. 


"Tito papa, can I drink my Chuckie now?" napatingin naman ako sa batang bigla nalang kumandong sakin.

Nginitian ko naman siya habang niyayakap niya ako. "Sure princess. But be careful not to spill it to your dress ha?" bilin ko sakanya habang kinukuha yung chocolate drink niya sa bag na hinanda ni Ren para sakanya kanina. 


Tumango lang naman siya habang pasimpleng kumakanta ng di ko maintindihang kanta. "What song is that baby?" tanong ko sakanya habang tinutusok ko yung straw sa box.


"I don't know." she chuckled. "I just heard it from the TV yesterday." sabay naman kaming nagtawanan bago ko binigay sakanya yung Chuckie niya.



Naalala ko kasi nung maliliit pa kami ni Sander, ako yung maingay sa aming dalawa. Tapos sa tuwing kumakanta ako ng kung anu-ano ay hinahampas niya ako sabay sumbong kina mommy at daddy kasi daw ay maingay ako. Now I definitely realized na hindi nagmana si Psyche sa kakambal ko.



Ilang minuto pa kaming naguusap ni Psyche. Ang dami nga niyang kinukwento sakin. Tapos ngayon naman ay inutusan niya akong maglakad-lakad muna sa labas ng home for the aged kahit ako lang  yung maglalakad kasi nagpapakarga siya sakin.


"Tito papa why is there many lolo and lolas here?" tanong niya sakin habang tinitingnan namin yung view sa likod ng garden.


Paano ko ba mapapaliwanag sakanya 'to?


Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now