SA 15 - Red

2.2K 79 3
                                    

Kahapon pa ako nakaharap sa laptop ko pero nagpapakundisyon pa ko. Chos. Dahil tapos na akong manood ng videos ng KN ay punong-puno na ako ng inspirasyon. Shet! Hihihihi.

And.. nagsisimula na ako sa pagpaplot ng story ni Sander bebe, may book cover na siya and plot. Hihihi. Clue? Sumpa. Chos. XD


SA 15 - Red


ELLE'S POV


Umalis na si Cas kasi nag-promise daw siya sa mommy niya na babalik siya agad kaya kahit na gusto ko siyang isama sa konting salo-salo sa bahay ay di ko magawa.

Kakatanggap ko pa lang ng premyo kong 40, 000. As promised ay binigyan ko sina Aya at Bettina ng tig fa-five K.


"Nagulat talaga ako nung pangalan ni Cas yung sinabi ng host! Akala ko nabibingi lang ako nun." halatang nagpipigil ng kilig 'tong si Bettina.


Sinundan naman siya ng mga 'ayieeeee' nina Aya at Andeng. Kaya nginitian ko lang sila.

Napaka-manhid ko naman kung hindi ako kikiligin sa ginawa ni Cas kanina diba? Grabe yun. Hindi ko inakalang isang text ko lang sakanya ay tinulungan na naman niya ako. Pinaglihi ata si Cas ng nanay niya sa superhero.


"Grabe mas crush ko na si Cas kesa kay Levi." tumitili pa si Andeng habang naglalakad kami papasok sa eskinita papunta sa bahay.


"Parehong gwapo no?"


"Oo!"

Sila lang naman ang nag-uusap usap kasi ako nagbabudget na mula sa napanalunan ko. May pambayad na ako sa graduation fees, may pambili na ng maintenance ni papa, may pandagdag sa karinderya, meron naring pambayad ng tubig at kuryente, pambayad utang at may extra pa para ipon.

Kung wala si Cas di ko mahahawakan 'tong ganito kalaking pera. Kulang pa yung pagpapasalamat ko, feeling ko habang buhay ko 'tong tatanawin na utang na loob.


Kaya ayun napagdesisyunan ko na magpasalamat ulit sakanya.

'TO: CAS Thank you talaga ha?'


Agad din naman siyang nagreply.

'Ilang beses mo nang nasabi yan.'


Napangiti naman ako. Malamang naiirita na rin 'tong sakin pero di ko talaga mapigilan ang sarili ko na paulit-ulit na pasalamatan si Cas.

'Ih kahit na. Salamat parin ah. Dapat talaga sumama ka kaso nakakahiya naman sa parents mo kung pupunta kayo sa bahay. Eh ang liit-liit nun. Sayang libre kita next time.'


'Di naman maarte parents ko. But nah, don't worry about it. Okay na, what's important is that you won the prize.'


'Thanks to you. :)' reply ko.


'Dami ko kasing fans. Hahahahaha.'


Napatawa tuloy ako. 'Ang feeling po. Hahahahaha.'

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now