SA 5 - Friend

2.7K 75 2
                                    

SA 5 - Friend



ELECTRA'S POV


Buti na lang talaga at sa public school lang ako nag-aaral kasi kung hindi ewan ko kung makakaya ko ang sobrang mahal ng tuition fee. Pag natapos 'tong Senior High, ewan ko lang kung magka-college ba ako agad? Bukod kasi sa wala pa akong budget para dun, ay mas marami pang importanteng bagay ang dapat atupagin kesa sa edukasyon.


"Oh kamusta ang make up classes mo? Ang special exam?" tanong ni Aya sakin.

Ilang araw din kasi akong hindi pumapasok kasi may pinagkaka-abalahan akong raket, at kasama na dun ay ang concert sa Knights University.

Naalala ko na naman kung gaano ka astig yung school fair nila, may carousel na tsaka ferris wheel. Meron pang mga astig na booths at may concert pa. Pang mayaman talaga.


"Yun, okay naman."


Pauwi na kami ngayon ni Aya, si Bettina hindi siya nag-aaral. Huminto muna siya para makaipon, kaya isa sa pinagtatrabahuan niya ang ang karinderya namin- bilang serbidora.

Oo ganito kahirap ang buhay namin. Kailangan munang isantabi ang pag-aaral para makaraos sa araw-araw. Di ko naman masisi si papa at ang sarili ko sa kung nasan kami ngayon, wala namang may gusto diba? Mahirap ang buhay, lalo na kung yung nanay mo ay walang paninindigan at hindi responsable.


Sumakay na kami ng jeep pero nagkahiwalay din kami sa susunod na babaan. Siya may trabaho sa balutan habang ako sa bar. Monday, Wednesday, Friday ako dito sa diner habang Tuesday naman ay sa bar, hindi yung nakakabastos ha. Yung may konting inuman tsaka kanta-kanta na bar pati konting sayaw. Tapos Thursday ay depende sa mahahanap kong raket habang weekends ay sa karinderya lang. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay, oo.



Nung handa na ako at nakapagbihis na rin ay kumanta na rin ako habang may nagsasayawan at nag-iinuman. Pagod ako sa paaralan, oo. Pero kailangan ko talaga ng hanapbuhay.




Matapos ang performance nun ng gabing iyon ay pumunta na ako sa backstage para magbihis at umuwi na. Medyo late pa naman, 11:00 PM na. Malamang ay tulog na si papa ngayon bakit ba kasi ang daming dumadagsa sa bar na 'to?!

Habang nagbibihis ako ay may narinig akong kumakatok sa pinto. Baka sina Celine 'to, nag-cr pa kasi sila. Kaya kahit naka shorts pa lang at shirt ako ay pinagbuksan ko sila..


"SINO KA?!"


Hindi pala ang katrabaho ko ang pinagbuksan ko kundi isang lasing na lalaki.

Tinulak niya ako kaya napa-atras ako. 

"Hi Miss." nginisihan niya ako at automatic na tumaas ang balahibo ko. Natatakot ako sa lalaking 'to.

Palapit ng palapit lang siya sakin ngayon..


"Sino ka? Anong kailangan mo?!"

Hindi siya sumagot pero palapit lang siya ng palapit sakin hanggang sa na corner na niya ako.

"Shhhh.. wag kang maingay.. Di naman kita sasaktan eh." hinawakan niya ang mukha ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Shit.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now