SA 20 - Ketchup

1.9K 67 13
                                    

So hi again, loves. Eto ako't nag-a-update.

SA 20 - Ketchup

ELLE'S POV

Pauwi na kami. Thank God at nahanap namin ang bahay ni Sander kaninang madaling araw.

Ang lapit lang pala namin nun. Mga dalawang liko at andun na kami. Grabe. Siguro ang dilim na talaga kahapon.

"Did you enjoy our trip?" Napatingin ako kay Cas na nagdadrive ako naman ay tinitingnan ang kuha niya sa camera niya. "Kahit ang epic natin kagabi? Na-enjoy ko. Narelax ako." i smiled at him.

I heard him chuckled. "Good to know na narelax ka.. Are you hungry?"

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 5:30 AM kasi kami bumyahe kanina eh di ko naman namalayan na 8:00 na pala. Ni di ko nga rin maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Hay nako.

"Medyo gutom na ako Cas eh. San tayo kakain?"

"I know a place. Malapit lang yun dito. Kaya pa ba ng tiyan mo?" medyo natawa pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Siyempre naman."

Binuksan ko ulit ang phone ko. Nakakapagtaka naman na di ako tinetext ni papa, di ba siya nag-aalala? :(

Alam ko naman na walang dapat ipag-alala kaso diba? Nakakahurt ng feelings. :(

Napabuntong hininga na lang ako habang tinetext si Bettina, baka kasi walang load si papa.

'TO: BETTINA, Baks kamusta kayo? Si papa? Pauwi na ako. Text me. '

Napasimangot nalang ako at walang ganang sumandal sa bintana. "Are you okay?" Nilingon ko si Cas, nag-thumbs up lang ako.

"Are you sure? Baka nahihilo ka o ano. I think I brought meds here." Punong-puno ng pag-aalala ang boses ni Cas. Kahit wala akong gana ay napangiti ako.

He really is sweet. Pinapakita niya na talagang concern siya.

"Okay lang ako. Gutom lang talaga." Tumawa pa ako para pagtakpan ang lungkot ko. Ayaw kong mahalata niya, ayaw kong mag-alala pa siya.

"Tell me if you need anything, kay?"

"Okay." Nginitian ko siya.

Patuloy lang ako sa pagtingin sa mga pictures na kinuha ni Cas.

Napatigil ako nang makita kong may kinuha pala siyang mga litrato ko. Pero ang pinaka nagpabilis ng puso ko ay yung natutulog ako kagabi..

Ang kuha nun ay natutulog ako tapos yakap na yakap ko pala siya kagabi. Tapos siya tinititigan lang ako.

Kuha 'to siguro habang nasa tripod ang cam niya at nakatimer. Gusto ko sanang humingi ng kopya kaso nakakahiya.

Tiningnan ko nalang si Cas na payapang nagd-drive na cute na cute sa suot niyang bonnet at sweater.


Andito kami sa parang diner na tabi ng gas station. Siyempre ay nakaorder na kami ng makakain. Gutom na rin pala 'tong si Cas. Ang dami kasi naming inorder. Haha.

"When we get back home, what are you gonna do first?"

Out of the blue ay biglang nagtanong 'tong si Cas. Nginunguya niya pa ang pancakes niya.

"Balik trabaho. Ikaw?"

Mukhang nag-isip din siya tapos yumuko siya at ngumiti. "I'll work on my pictures. I'm planning to exhibit them."

Medyo napanganga ako sa sinabi niya. Wow.

"Pag ba natuloy yan, invite mo ko ha?" Nginitian ko siya.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now