SA 24 - High

2.3K 76 8
                                    

Tapos na ang midterms, malaya na naman akong tao! Hahahahaha!



SA 24 - High



ELECTRA'S POV




Complicated.

Yan ang status namin ni Cas. Inamin ko na sakanyang gusto ko rin siya. Sabi nga ni Bettina, MU daw yun. Eh malay ko ba?!


Masyado akong busy nung highschool kaya di ako nag-eentertain ng mga manliligaw. Si Cas lang naman talaga ang nakakuha ng atensyon ko. HAHAHAHAHA. 




"Here's your coffee ma'am." nginitian ko ang customer namin matapos kong mabigyan ng order niyang latte.



Wednesday ngayon at may duty ako sa Sweet Mist at hanggang 7:00 ako dito. 


Pagkabalik ko sa counter ay andun na naman si Cas. Nakaupo sa likod ng cash register habang nagbibigay ng instructions kay Jeena. 


Naalala ko tuloy nung sinabi namin kay papa na nililigawan niya ako halos masapak siya neto kasi naaalala pa nga raw kasi ni papa yung sinabi ni Cas nung una ko siyang pinakilala sakanya na wala siyang balak na ligawan ako. Ang epic talaga nun. Hahahaha.


Nung nakalapit na ako sa counter nakita naman ako ni Cas at agad niya akong kinindatan kaso pabiro ko lang siyang inirapan kaya napatawa siya. 

Pumunta ako sa gilid para mag-ayos ng coffee cups nang naramdaman kong may mahinang bumabangga sa ulo ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Cas na paulit-ulit na binubunggo parin ang ulo niya sa noo ko.



"Parang tanga." pagbibiro ko.


Napahawak naman siya sa dibdib niya at kunwaring nasasaktan kaya nahampas ko tuloy ang dibdib niya. "Wag magulo sir Cas." mahina akong tumawa.



Tinuloy ko ang pag-aayos ng mga coffee cups pero di parin siya umaalis sa likod ko. 


"Anong oras ang out mo?" Hinarap ko siya. "Seven. Bakit?" Tiningnan niya ako tapos maya-maya ay inayos niya ang buhok ko kasi may kumakawalang strand ng buhok sa pagkakatali ko. "Debby's throwing a party. I want you to be there with me."



Eto na naman siya ume-english. "Tanong ko muna si papa kung papayag siya."



"Already done." 


Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti. Sus. Parati nalang talaga akong inuunahan ng lalaking 'to. Pinitik ko nalang ang tenga niya sabay tumango. 

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant