EA 9 - Reload

1.5K 65 6
                                    

Hey Saviors! Pauso ako eh lol. I used to call my TFSF readers, Seekers. So I decided to call you guys, Saviors. So here's the thing.. I am promoting my vampire story (but not kn) Blood Descendants. I hope you guys would take time to check it out on my profile and I hope that you guys will also be Descendants. Hahahaha pauso ko lang 'to pero seryosong promoting 'to ah?  


play the music :)



EA 9 - Reload





CAS' POV




"What?" teka nabibingi ata ako. Tama ba yung pagkakarinig ko?



Si Electra, nag sorry sakin? Teka makurot nga ang sarili ko baka nananaginip ako ha, maaksidente pa kami ni Electra nito.


"A-anong sabi mo?" tanong ko sakanya matapos kong makurot ang sarili ko.



"I said I'm sorry.." narinig ko pa yung malalim niyang paghinga. "Sorry for being so rude." 


Tiningnan ko lang naman siya at naramdaman ko agad ang lakas ng pintig ng puso ko nung nakitang nakatingin siya sakin. Itong nararamdaman ko, alam na alam ko 'to eh. Ganitong-ganito yung nararamdaman ko apat na taon na ang nakalipas.



"Okay lang yun." nginitian ko naman siya. "Di naman kita masisi."



Dahan-dahan lang siyang tumango bago tinuon na naman ang pansin niya sa labas ng bintana. Medyo umaambon na pero kita ko parin naman ang daan. "Anong oras ba kakailanganin yung pagkain?" tanong ko sakanya while checking the time on my wrist watch.



Bakit biglang na-awkward ako sakanya? Apat na taon kong hiniling na makausap ko siya casually, anong nangyari?




"Two o'clock." tipid niya sagot. "Aabot pa ba tayo?"




"Twelve pa naman. I'll do my best para makarating tayo on time." nginitian ko siya at gusto kong tumambling sa tuwa dahil sa nginitian din niya ako pabalik.



Tahimik na ulit ang naging biyahe namin. Pero dahil sa kagustuhan kong hindi mamatay ang atmosphere ay pinilit kong mag-isip ng topic habang tinitingnan ko ang GPS.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now