SA 7 - Trouble is troubled..

2.2K 59 3
                                    

SA 7 - Trouble is troubled..


CAS' POV


"Try tuning your guitar, Rence." utos ko kay Terrence na nasa tabi ko ginawa din naman niya yun.


Finally after how many hours of thinking, ay nakapili na kami ng dalawang kanta para sa Grad concert.

One is somehow for the parents but di naman masyadong cheesy yung lyrics and the other ay up beat. Yung lahat ay makakasabay.


"Okay from the top!" sigaw ko at nagsimula na kaming magpatugtog.


Umabot na kami ng almost 3 rounds ng kanta nang may kumatok sa pinto.

"Oh kumain na muna kayo." pumasok si mom na may dalang cup holders na may lamang drink obviously from Sweet Mist at kasunod si dad na may dalang box ng pizza.


"Ayos!"


"Hala. Thank you po tita, tito."


"Salamat po, nagugutom narin ako. Hahaha."


"Thanks mom."


Isa-isa na silang lumapit sa parents namin at nagmano pagkatapos nun ay binuksan na ang mga dala nila.

"Bakit pa kayo bumili mom? Kakakain lang namin." bulong ko sa nanay ko na kasalukuyang inaakbayan ko.


"Gutom ba yan Allen eh halos maubos na agad ni Cole ang isang slice." natatawang sabi ni mom.


Tiningnan naman namin ni dad si Cole at oo nga kasalukuyan na siyang kumakain sa pangalawang slice niya.

"Patay gutom talaga yan mom." nagtawanan naman sila ni dad.


"I'll remind you anak ha, the day after tomorrow uuwi tayo ng probinsya para bisitahin ang puntod ng lolo Michael mo." bilin ni mommy.

Oo nga pala, 1 week before mom's birthday when we were 7 ay namatay si lolo Michael dahil sa cancer, inilibing siya sa probinsya para naman magkasama sila ng puntod ni lola Christy.


"Okay po. Anong oras ba ang alis?" 


"Probably 12:00 PM." si dad na yung sumagot.


"Okay po. I'll tell Sander."



Nagpractice pa kami ng ilang rounds after naming kumain ay napagdesisyunan na namin na tumigil na.

"Okay na naman siguro tayo. So maybe mga isa pang practice before Monday, okay?" bilin ni Debby saming lahat nung papalabas na sila ng bahay.


Nang makaalis sila ay kami na naman ni Sander ang naiwan sa bahay, si mommy at daddy nasa kitchen. Siguro nagluluto.

Pumasok na si Sander sa kwarto niya para maglaro ng GTA habang ako naman ay walang ganang pumasok sa kwarto ko.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Where stories live. Discover now