Chapter 16 [☆] Special Date

Start from the beginning
                                    

Again, Jungkook chuckled "Kung anu-ano sinasabi mo. Tara na nga" Natatawang sabi lang n'ya at inalalayan ako hanggang sa maka pasok kami sa loob ng restaurant.

Maya maya lang, huminto na kami sa pag lakad.

"Tada!" Sigaw n'ya nang tanggalin n'ya ang kamay n'ya sa mga mata ko.

Agad akong napa takip sa bibig ko, ang ganda! Sobrang effort!

Puro roses 'yung restau at naka tayo ako sa gitna ng malaking heart na gawa sa rose petals.

"Nagustuhan mo?" Andoon ang kaba sa tanong niya. Agad akong humarap sa kan'ya at niyakap s'ya.

Ewan ko ba pero naiiyak ako.

Mukha namang nataranta si Jungkook "Pangit ba? Sorry hin-" At mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kan'ya.

"Shh wag kang maingay. Ninanamnam ko 'yung moment e" Natatawang sabi ko habang sumisinghot singhot pa.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko s'yang naka ngiti at mas niyakap ko ulit s'ya and buried my face in his chest.

Naramdaman kong hinawakan n'ya ang pisngi ko at pinunasan 'yung pisngi ko.

"Salamat, Jungkook. Salamat dito sobrang na-appreciate ko. Salamat din sa pag payag sakin na yakapin ka ngayon" Pasasalamat ko sa kan'ya.

Natawa naman si Jungkook sa mga sinabi ko "Hay nako, 'diba ang sabi ko mag enjoy, hindi mag drama? Tara kain na tayo" Natatawang sabi n'ya at hinila ako sa may table na nasa gitna.

Inalalayan n'ya akong umupo. Ang gentle man n'ya talaga today! HAHAHAHA

"Hindi pa tayo tapos sa date natin ha? Hindi pa tapos 'yung surprise ko para sa'yo" Naka ngiting sabi n'ya sa'kin at dumating na ang pagkain namin.

Habang siniserve ang mga pagkain namin ay biglang nag salita si Jungkook.

"Shana, alam mo bang ako ay isang poging genie?" 

Hindi ko naman napigilan ang sarili na matawa sa sinabi n'ya.

Kumunot naman ang noo ni Jungkook dahil sa inasal ko "Anong nakaka tawa? Totoo 'yun! Ako ay isang poging genie sa araw na ito at tutuparin ko ang wishes mo"

Pinansingkitan ko s'ya ng mata at lumapit ng kaunti sa kan'ya. 

"Seryoso?" Tanong ko.

Tumango naman s'ya "3 wishes" Sagot n'ya at pina kita pa sa'kin ang tatlong daliri n'ya.

"Pero mamaya mo na sabihin, kumain muna tayo" Aniya at bumalik na kami sa pag kain.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain nang biglang mamatay ang ilaw at biglang may nag play na video sa mga dingding.

"Oh... my... god..." Manghang sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Ito 'yung nag punta kami sa carnival, 'yung video.

Hindi maka paniwalang tumayo ako at lumapit sa dingding kung saan nag pplay ang video.

"Paano mo 'to nakuha?" Hindi maka paniwalang tanong ko sa kan'ya.

It was me and him nung nasa carnival kami, naka sakay kami sa carousel at ang saya namin tignan.

"'Diba nalaman ng daddy mo at ni papa 'yung tungkol sa'min ni Yanna? Nung araw na 'yan pina susundan tayo" Kuwento niya.

"Nalaman kong vinideohan tayo, proof daw kaya ayun, hiningi ko" Pag papatuloy n'ya.

Nakita ko s'yang tumayo at hinila ako pabalik sa table namin.

"Kumain ka na nga, may pupuntahan pa tayo" Natatawang sabi n'ya kaya pinag patuloy ko na lang ang pag kain ko.

Habang kumakain kami, I decided to use my first wish "P'wede ko na bang sabihin 'yung first wish ko?" Tanong ko sa kan'ya.

Tumingin naman s'ya sa'kin at tumango na lang dahil may laman pa ang bibig niya.

"Alam kong mahirap 'tong hihilingin ko pero since genie ka gawin mo" Natatawang panimula ko.

"Dahil masyado ng madami atraso ko sa'yo, kahit ano pa 'yan, sige na, gagawin ko" Natatawang sagot naman n'ya.

Huminga ako ng malalim at hinugot ang lahat ng lakas ng loob ko "Please be my husband for this day. Kahit ngayon lang" Seryosong sabi ko habang hinihiwa ang steak ko.

Jungkook didn't answered and remained silent. Napa angat naman ako ng tingin sa kan'ya dahil doon. Sabi na e, hindi s'ya papayag. Hindi n'ya gagawin.

I tried my best to laugh a bit "Haha hindi mo ata kaya, sige wag na lang" Natatawang sabi ko pero andun yung sakit.

Nanahimik na lang kami at pinag patuloy ang pag kain.

Matapos naming kumain ay may binigay sa'ming ice cream in cone at niyaya na ako ni Jungkook umalis dahil hindi pa nga raw tapos ang date namin.

"Saan pa tayo pupunta?" Tanong ko habang wiling wili sa pag kain ng ice cream.

Jungkook chuckled kaya napa lingon ako sa kan'ya "Tsk ang messy talaga kumain ng jagiya ko" Natatawang sabi n'ya habang pinapahid ang gilid ng labi ko with his thumb.

Tila na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa pinahid n'ya 'yung dumi sa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki n'ya- well siguro factor din iyon pero tinawag n'ya akong jagi!

Napa kurap ako ng ilang beses at wala sa sariling ko s'yang tinanong "Ja-jagi?"

"Mali pala..." Aniya at inilapit ang mukha saakin. As in inches na lang ang layo ng mukha niya saakin.

Punyeta nakaka asdasjhgfadsuylhn. KINIKILIG AKOOOOOO.

"Wifey baby" Pag tatama niya habang naka tingin sa mga mata ko at hinalikan ang tip ng ilong ko.

Unti-unti na s'yang lumayo na may malawak na ngiti sa labi.

"Tara na, Wifey baby" Naka ngiting sabi n'ya at hinila na ang kamay ko papuntang sasakyan.

Pinag buksan n'ya ako ulit ng pinto at agad na umikot sa driver's seat.

"Akala mo ba hindi ko gagawin?" Natatawa at may halong pang-aasar na tanong n'ya habang inaayos n'ya ang seat belt n'ya.

"Oo, iiyak na nga sana ako e" Biro kong sagot sa kan'ya.

"S'yempre gagawin ko! Kailan pa humindi ang isang poging genie? Ihanda mo na ang sarili mo. Malalaman mo na kung paano magpa kilig ang isang Jeon Jungkook" Pilyong sabi n'ya at aba! Kinindatan pa ako at pina-andar na ang sasakyan.

Hindi ko matago ang kilig ko kaya ibinaling ko na lang sa bintana ang tingin at atensyon ko na may malawak na ngiti sa labi.

You'll treat me as your wife for today. Kahit ngayon lang maramdaman ko na mahal mo ako, na may lugar ako sa puso mo.

OMFG I'm wifey baby for today ❤

[EDITED]

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now