Chapter 1- The Brat princess

5K 137 12
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama ang mga friends ko. Kanina pa sila tawa ng tawa dahil sa kalokohan ko. Sila lang ang natawa, parang kulang pa nga yung ginawa ko kanina eh.

"Hahahaha. Ang sama mo talaga Nica!" tatawa-tawang sabi ni Aira.

"Dapat lang sa kaniya yon." walang gana kong sabi.

"Dapat kasi binigyan mo na lang ng aircon. Hahaha!" sabi naman ni Leanne.

We're friends since 1st year highschool. May attidude din yang mga yan. Hindi lang halata.

At tinatanong niyo kung anong ginawa ko? Well, sige. Dahil makulit kayo, sasabihin ko na. Walang kwenta siya promise.

Tinulak ko lang naman yung isa naming maid sa pool kanina. Reklamo ng reklamo, napakainit daw. Edi ayun, pinaliguan ko lang naman. Oh diba, walang kwenta? Napakasimple lang ng ginawa ko.

Dapat nga magpasalamat pa siya, atleast nakaligo siya sa maganda at mamahalin naming pool. Pero ang bruha, inirapan pa ako! Ayoko naman siyang tanggalan ng trabaho, mabait naman ako. Medyo nga lang.

Nang matapos kami sa pagkukwentuhan ng kung ano-ano, umuwi na rin sila.

Okay, I'm Danica Margarette Valdez. Just call me Nica. 18 years old. Pretty, sexy, intelligent, rich, man's dream. Nasa akin na ang lahat. Single. NBSB pero hindi ko yun kinakahiya. Hindi pa kasi ako ready pumasok sa isang relationship. There are lots of boys asking permission if they can court me, pero lahat sila nire-reject ko. For me, 'No boyfriend, No problem'.

Only daughter of Mr. David Valdez and Mrs. Victoria Valdez.

At madalas kapag only daughter ka, nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Well yes, lahat ng gusto ko, nakukuha ko. And also, i can make your life miserable if i want to. Pero mabait naman ako, kaya hindi ko gagawin yon.

*toktok.toktok.toktok.

Istorbo. Tss.

"Pasok." hindi naman ako mahilig mag-lock. At alangan namang pagbuksan ko pa kung sino yung kumatok. Siya ang may kailangan, siya ang lumapit.

Bumukas ang pinto at pumasok si Yaya Angie. Kahit siya pa yung palaging kasama ko at guardian ko, hindi siya makakaligtas sa pagmamaldita ko. Wala eh, maldita na talaga ako. Pero kahit maldita ako sa kaniya, mahal ko yan. Pwe, tama na nga ang drama.

"Bakit Ya?"

Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Kamusta naman ang alaga ko?" tss. Ano ako, aso? Alaga talaga?

"Ya, hindi ako aso. Tsaka hindi na ako bata, ano ba." pag-iinarte ko.

Ngumiti lang siya. Hindi siya nagagalit sakin kahit ganito ako. Tanggap niya ako. Buti pa siya. Pero sarili kong mga magulang.. pwe!

"Ikaw talaga.. kaya mahal na mahal kita eh. Oo nga pala, malapit na akong umalis." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"A-aalis kayo? Iiwan niyo din ako?" pati ba naman siya iiwan din ako. Iniwan na nga ako nila Mom and Dad, tapos pati siya. Wala na bang ibang alam gawin ang mga tao ngayon kundi ang mang-iwan? Letse lang.

Hinaplos niya muna ang buhok ko at nagsalita. "Tumatanda na ako. Tsaka hindi mo na naman ako kailangan e---"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Sinong may sabi na hindi ko na kayo kailangan?! Sabihin niyo! Humanda sa akin ang nagsabi non!"

"Nica, anak, pasensiya ka na. Wag kang mag-alala, bibisitahin naman kita dito."

"Ewan ko sa inyo! Sino na lang ang mag-aalaga sakin ha?! Sana hindi niyo na lang ako inalagaan! Iiwan niyo din naman pala ako!" sigaw ko sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya. Lagi na lang akong iniiwan.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara