Chapter 4- Pat

2.7K 87 8
                                    

Andito pa rin ako sa office ni Dad. At sabi niya, papakasalan ko daw yung Hannah?

"Dad, i'm still---"

"I know. Hindi muna ngayon. Pagka-graduate mo."

Hindi lang yon, sino ba naman ang gusto na makasal sa taong hindi mo mahal. For Pete's sake, ni hindi ko nga siya kilala! At wala akong balak na kilalanin siya!

"I'm sorry Dad. Pero hindi ko kayo mapagbibigyan ngayon."

"Wala ka ng magagawa. Ayos na lahat. Hinihintay na lang ang paggraduate niyo."

Pa isa ha.

Tangina.

"You can't control me!" napataas na ang boses ko. Sino ba namang hindi? Nakakapanggigil, langya.

"Yes, i can. I'm your father!" sigaw ni Dad. Sana andito si Mom ngayon. Alam kong ipaglalaban niya ang tama. Hindi ko man siya nakasama, alam kong kakampihan niya ako.

"No! Hindi ako makakapayag sa gusto niyong mangyari." sana may magawa pa ako.

"Kung ipipilit niyo lang ang gusto niyo, edi kayo ang magpakasal!" sabi ko at lumabas na sa office niya. Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon.

Damn it! I hate him. The feeling is mutual. He hates me, too. Sinisisi niya ako kung bakit nawala si Mom. Namatay kasi siya nung ipinanganak niya ako. Kaya ganun siya sakin. Masungit at laging masama ang mood kapag malapit ako sa kaniya. Hindi ko naman ginusto na mawala si Mom. Ugggh.

Tinext ko sila Steve. Sabi ko mag-inom kami kila Kenneth.

Pumunta na ako dahil wala talaga akong balak mag-stay sa bahay.

Pagdating ko, ako na lang ang hinihintay.

"Tagal mo!" reklamo ni Justine. Suntukin ko kaya to para di na magreklamo.

"Cr lang ako." tapos nagdire-diretso na ako sa cr nila Kenneth.
"Je-jebs ka lang eh!" habol ni Steve. Gago talaga.

Bumalik na ako at nakita kong wala sila sa salas. Baka nasa garden na. Mga walangya, hindi man lang ako hinintay.

At andun na nga sila at hinahanda na ni Kenneth yung mga alak. Pumasok muna si Justine para kumuha ng pagkain. Si Steve naman, hawak ang phone niya. Ayaw man lang tumulong.

"Hoy! Tulungan mo naman si Justine don." sabi ko sabay batok sa kaniya.

"Kailangan may batok? Kaya niya na yon."

"Tamad."

Dumating na si Justine na may dala-dalang limang malalaking chichirya at apat na latang pork and beans na paborito niya. Siya lahat lalamon ng pork and beans. PG, langya.

Umupo na din si Kenneth. "Dude, may problema ba?" tanong niya.

"Kadiri ka Kenneth Rio." Justine.

"Bakit ba?" Kenneth.

"Wala lang." Justine ulit.

Mga siraulo talaga.

"Hayaan mo na nga yang mga yan. Ano bang problema? Nakabuntis ka ba?" agad ko namang binatukan tong si Steve sa tanga niyang tanong.

"Gago! Magsama-sama nga kayo. Mga siraulo!"

"Hahaha. Joke lang. Ano nga?"

Huminga muna ako ng malalim. "Si Dad. Gusto niya akong ipakasal don sa anak ng kasosyo niya. Hannah ata pangalan."

"Cool." rinig kong sabi ni Kenneth.

"Aww. Mahirap yan dude. Anong sabi mo?" tanong ni Justine.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora