Chapter 11- War

1.7K 71 1
                                    

NICA's POV

Matapos naming kumain ni Ezra ay umuwi na rin ako. Sabi niya, ihahatid niya na ako pero tumanggi ako. Hindi ko siya feel eh.

Pagdating ko sa bahay..

"Uuwi na ang parents mo, Nica. At yun din ang araw na aalis ako. Uuwi na ako sa pamilya ko. Sana maintindihan mo." sabi ni Yaya.

Sila Mom? Uuwi?

"You're just kidding, right?"

Iniwan na nila ako eh. Dahil sa bwisit na Camille na yan.

Ang totoo niyan, may kapatid talaga ako. Hindi ko lang matanggap na may kapatid ako na kagaya niya. Kung maldita ako, mas maldita siya. Malala na siya!

"Hindi ako nagbibiro. Next month na ang uwi nila."

"So ano, iiwan mo na talaga ako? Hahayaan mo nalang akong api-apihin dito? Sasama nalang ako sa inyo Yaya. Ayoko silang makasama. Lalo na yung plastik na Camille na yon." alam ni Yaya ang tunay na ugali ng babaeng yon.

"Gusto sana kitang isama kaso hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?" nagtataka kong tanong.

Sasagot na sana siya ng biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya muna ito.

"Hello? Kayo po pala. Ganun po ba? Sige po. Okay po."

"Sino yon Ya?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Dad mo. Napaaga pala ang uwi nila. Nandito na sila sa Pilipinas. Pauwi na sila at kasama si Camille."

Napatawa nalang ako sa huling sinabi niya. "Syempre naman. Iiwan ba nila yon? Eh yon lang naman ang anak nila eh!"

Niyakap niya ako. "Sorry, anak. Hindi na kita maipagtatanggol sa kanila. May nangyari kasi kay.. Hay. Wala. Sige. Sa kusina muna ako. Maghahanda lang ako ng dinner." ang bait talaga ni Yaya. Wait, ano kayang nangyari?

Tumaas nalang ako sa kwarto ko at nahiga at nakipagtitigan sa kisame.

Ready na ba akong makita ang babaeng dahilan ng lahat? Kung bakit ako ganito?

Flashback..

"Cam, nasan sila Mommy?" tanong ko sa kapatid ko na si Camille.

"Ang damot mo, ate Nica." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?

"Parents ko rin sila pero gusto mo, ikaw lang ang bida! Gusto mo, ikaw lang ang mahal nila! Napaka-selfish mo ate!" at sinabunutan niya ako. Hindi ako lumalaban dahil nakababatang kapatid ko siya. Ayoko siyang masaktan.

"Tumigil ka na, Cam." sabi ko. Ang sakit niyang manabunot.

"Bakit ayaw mong lumaban?! Wala sila Mom! Wag ka nang magbait-baitan!" nainis ako pero hindi ko pa rin siya papatulan.

"Nica! Cam! Bakit kayo nag-aaway?!" si Mom. Lumapit sila sa amin kasama si Dad. Lumapit sila Mom at Dad kay Cam. Si Yaya Angie ang lumapit sakin.

"Mom.." umiiyak na sabi niya kay Mom.

"Anong masakit? Anong ginawa sayo ni Ate Nica?" tanong ni Mom.

"Anong ginawa mo sa kapatid mo?!" sigaw ni Dad.

'Wala Dad. Wala akong ginawa. Si Cam ang nauna.' Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Ayaw bumuka ng bibig ko. Takot na takot ako.

"Sinabunutan niya ako, Mom. Inaway niya ako. Masyado daw akong pabida.. Napaka-selfish ko daw.. huhuhu." binaliktad niya ang nangyari.

"Is it true?!" sigaw ulit ni Dad.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now