Chapter 30- Move on

1.5K 55 3
                                    

NICA's POV

It's our last day here at uuwi na rin kami mamayang hapon.

Nandito ako sa parang souvenir shop dito rin sa loob ng resort.

Kasama ko kanina si Leanne at Aira pero mga leste, iniwan ako. May nakita kasi silang gwapo. Ang landi lang e. Pero papa-picture lang daw sila. Sabi ko wag na, kasi baka magselos lang sina Kenneth at Justine. Pero wala e, hindi mapigil. Hinayaan ko nalang. Pero mga letse talaga sila.

Tumingin-tingin nalang ako ng mga caps at tae lang, ang ganda nitong cap na nakikita ng maganda kong mata. Black siya pero ang ganda. Nag-iisa nalang yon at kukunin ko na sana siya pero biglang may lalaki na kinuha yon.

Teka. Pambabae yon e. Bakla ba to? Hinde, baka ibibigay niya lang sa girlfriend niya. Pero kahit na! Ako ang nauna!

"Kuya, ako ang nauna." mataray kong sabi.

"Sorry miss. Ang bagal mo kasi." walang kaemo-emosyong sabi niya. Aba!

"Hoy kuyang pinaglihi sa sama ng loob. Para sabihin ko sayo, kukunin ko na sana, inagaw mo lang."

"Hindi ko to inagaw sayo o kung sa sino man. Hindi ko na kasalanan kung tatanga-tanga ka at babagal-bagal." sabi niya at umalis na sa harap ko.

Natigilan ako.

Flashback..

Dumiretso nalang ako sa may beer section. First time ko pumasok sa lugar na to.

"Yung pinakamatapang." utos ko dun sa bartender.

Iaabot na sana sakin nung bartender ng may lalaking umagaw nun. Problema ng isang to? Iniwan din kaya siya? Tss. The hell i care. May sarili akong problema. Pero bakit kailangan mang-agaw ng drinks? Siraulo ata to.

"Hoy akin yan." sabi ko sa kaniya. Aba, hindi man lang ako nilingon. Dire-diretso lang siya sa paglagok.

"Hoy! Sabi ko akin yan!" wala pa rin. Ayaw mong lumingon ah.

Buti naka-heels ako. Hinubad ko yung heels ko at pinukpok yung takong sa ulo niya. And boom! Lumingon siya!

"What the fvck is your problem?!"

Tinaasan ko muna siya ng kilay at nagcrossed arms. "Mang-aagaw ng drinks! Akin yata yang nila-laklak mo!"

Tinaas niya yung baso at nagsalita. "Bakit wala akong nakikitang pangalan?"

"Tanga ka ba?! Wala ka bang magawa sa buhay mo?!"

"Hoy miss. Ikaw ata ang walang magawa sa buhay. You're making a scene here."

End of flashback..

Nikolai. I missed you. Ganito din yon e. Inagawan ako ng lalaki yon ng cap, ikaw drinks. Ang tagal na din pala.

Aalis na din sana ako dahil bigla akong tinamad mamili pero nagulat ako ng biglang may humawak sa bibig ko.

"Sumama ka sakin." kinilabutan ako. Pamilyar ang boses niya. Hinila niya ang kamay ko at hinila palabas ng shop at nauuna siyang maglakad sakin. Nakarating kami sa isang playground. May bubong naman kaya hindi mainit. At kami lang ang tao dito. Mayroon palang ganito dito?

Napatingin ako sa lalaking nakatalikod sakin.

Ang likod niya.. Nanghina ako.

"N-nikolai?"

Lumingon siya sakin. Nanlambot ang tuhod ko. Feeling ko, babagsak ako.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Ganun din siya sakin.

"Hindi ko pala kaya." mahinang sabi niya. "Huli na ba ako?"

Hindi ko maintindihan. Gusto kong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko. Gulat pa din ako. Dalawang taon. Matapos ng dalawang taon, nakita ko ulit siya.

"Sana hindi pa huli ang lahat. Nica, muntik na akong mabaliw kakaisip sayo."

"Nikolai, bakit?" nakapagsalita din ako. "Bakit ka umalis? Bakit mo kami iniwan? San ka ba nagpunta?" halos pabulong na sabi ko.

Tumingin siya sa paligid. "Naghanap ng sagot." tapos umupo siya sa swing. "Nakakatawa nga e. Para akong stalker sa mga pinag- gagagawa ko."

"Stalker? You mean.." nanlalambot na ako.

"Yes. Sabi ko, lalayo muna ako. Pero hindi ko pala kaya. Mahirap. Kaya, lagi kitang sinusundan. Kahit saan ka magpunta, kayo, andun ako."

Napahawak ako sa bibig ko. Kaya pala parang laging may sumusunod sakin. Kahit pag pauwi ako. Sht!

"Gustong-gusto kitang lapitan at yakapin ng mga panahong yon pero grabeng pagpipigil ang ginawa ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi pa pwede. Ngayon, pwede na at alam ko na ang sagot."

"Anong sagot? Bakit ka ba umalis? Pagkatapos ng huli nating pag-uusap sa condo mo, bigla ka nalang nawala." nalilito pa rin ako.

Ngumiti siya. "I'm so confused with my feelings for you that time kaya lumayo ako. Umalis ako para malaman ko kung ano ba talagang nararamdaman ko. At ngayon, alam ko na."

Kinakabahan ako. "Ano?"

"Hindi ko sasabihin. Ipaparamdam ko."  at niyakap niya ako. Mahigpit na parang hindi na niya ako pakakawalan. But i feel safe. And yes.. happy.

**

STEVE's POV

I need to smile. Kailangan kong maging masaya para sa kaibigan ko at sa taong gusto ko.

Sila ang bagay.

'Steve, wake up! May mahal siyang iba! Bumalik na ang taong mahal niya.' 

Kailan ba ako magiging masaya? Pangalawang beses. Pangalawang beses ko nang nagparaya.

"Dapat pala hindi na ako bumalik dito. Nasayang lang ang oras ko." i said to myself. Then i smiled bitterly.

Move-on. Yan ang kailangan ko ngayon.

---

A/N: Opo. Ang ikli. Ganun talaga. Bawi next chapter.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now