Chapter 6- Real Enemy

2.1K 68 0
                                    

NICA's POV

Papasok na ako sa first subject ko ng makita ko si Nikolai na natutulog sa may puno sa garden. Sa totoo lang, gwapo talaga siya eh. Mayabang lang. Parang ang bait-bait niya pag tulog siya.

Nilapitan ko siya na hindi gumagawa ng ingay. Guguluhin ko nalang muna siya.

Kumuha ako ng maliit na bato at binato sa mukha niya.

Nagising naman siya. "Ano ba?! Ikaw?! Ano bang kailangan mo?! Bulag ka ba?! Alam mo ng tulog---"

"Bakit ba ang init ng ulo mo ha?"

"Sinong hindi iinit ang ulo---" naputol ng sasabihin niya ng ay biglang tumawag sa kaniya. Lumingon naman siya at ganun din ako.

"Hi, Nikolai." nanlaki ang mata ko ng makita ko siya dito. What the hell? Talaga bang iniinis niya ako?! "Ohh, Nica! It's nice to see you here." at ngumiti pa siya.

"Hannah?! Anong ginagawa mo dito?! Diba sabi ko, ayaw na kitang makita?!" halatang naiinis siya. And yeah, si Hannah ang dumating. And wait, magkakilala sila?

"Don't be so rude to me, Babe. Tandaan mo, i'm still your fiancé."

"Fiancé?!" hindi ako makapaniwala.

"Yes, Nica. Hindi ka nagkamali ng dinig. Ikakasal kami after graduation. May problema ba don?" she asked NICELY. Pwe.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Nikolai.

"We're bestfriends." nakangiting sabi ni Hannah.

"Dati." sabi ko habang tinitignan siya ng masama.

"Nics! Andito ka lang pal---" boses ni Aira. Napalingon ako. Kasama niya si Leanne. At nagulat sila ng makita si Hannah. Talagang nangiinis ang tadhana.

"Hi." nakangiti na naman siya. Mapunit sana ang bibig mo. Kainis.

"What are you doing here?!" sabay na sabi nung dalawa.

"I'm here dahil nandito ang fiancé ko. Kung nasan siya, andon din dapat ako." tapos kumapit siya sa braso ni Nikolai. Spell higad. H-A-N-N-A-H.

"How romantic." i said sarcastically.

"Talaga bang gusto mong masaktan?! Isa pa, isa pang lapit mo sakin, baka makalimutan kong babae ka!" at umalis na si Nikolai na parang sasabog na.

"Ang sweet niya talaga. Ganyan kami magmahalan, guys. Inggit ba kayo?" inirapan lang siya nung dalawa.

"Ang sweet niyo nga. Sa sobrang sweet, nakaka-umay. You know what? I like him." pang-aasar ko sa kaniya. Gusto ko lang malaman kung anong reaksiyon niya.

"What?! Bingi ka ba? Diba sabi ko fiancé ko siya?! May balak ka bang agawin siya sakin?!"

"Bakit? Natatakot ka na baka maagaw ko siya sayo? Diba magaling ka naman sa agawan? Edi matira matibay nalang."

"Asawa nga naaagaw, fiancé pa kaya." sabat ni Leanne.

"Shut up! Hanggang ngayon ba naiinis ka pa rin dahil ako ang pinili ni Jeric? Sorry ka nalang. Boring ka daw kasi eh."

"Kaya ba iniwan ka rin niya?" sila naman ni Leanne ang nagsasagutan.

"Who said he left me? I'm the one who left him. Hindi naman kasi siya ganun kagwapo. Kaya ayun, pinagsawaan ko."

"Baka kasi naaawa lang siya sayo kaya hindi ka niya maiwan? Hinintay niya na lang siguro na ikaw ang mang-iwan. Pero ang totoo, gustong-gusto ka na niyang iwan kasi ayaw na niya sayo. Kasi ang ganda mo parang Gel, pampatigas lang." ang galing mo Leanne. Whooooo!

"Hanggang ngayon kasi, hindi mo matanggap na ako ang mahal niya."

"Correction, 'minahal'. Ayy, hindi ka nga pala niya minahal. Siguro nagandahan lang kahit hindi ko naman alam kung sang banda."

"Ikaw ang hindi niya minahal!" naiinis na sabi ni Hannah. Mukhang napipikon na siya.

"Loser." sabi ni Aira na natatawa na.

"Tandaan mo to, Hannah. Sa laban na to, sisiguraduhin namin na ikaw ang matatalo." at umalis na kami.

Nalate tuloy kami sa klase namin. Kainis.

HANNAH's POV

Bitches.

"Damn! I hate them! Ugggh!" nagsisisisigaw na ako dito at pinagtitinginan na ako.

May biglang lumapit sakin na babae na mukhang nerd. Paano nakapasok sa campus na to ang mga kagaya niya? Hindi pala choosy si Nica pagdating sa pagpili ng students dito?

"What do you need?!" ang weirdo niya kasi. Nakatitig lang siya sakin.

"Narinig ko ang lahat."

"So?"

"Galit ka pala kay Nica?"

"Hindi lang siya. Pati kay Aira at Leanne. Wait, why am i telling this to you? Are we even friends?!"

"Gusto mo? Mukhang magkakasundo tayo. I hate them also."

"Bakit naman ako makikipagkaibigan sayo ha?! You're just a damn freak!"

"I can help you."

Napaisip ako sa sinabi niya. In this time, kailangan ko nga ng katulong. Pagbabayaran niya ang mga ginawa niya sakin, lahat ng paghihirap na pinadanas mo sakin. Pagbabayaran mo lahat, Nica. "In what way?"

Ngumisi lang siya na akala naman niya na ikinaganda niya. "Maraming paraan. Lahat kaya kong gawin. Wag mo akong maliitin, hindi porket ganito ang itsura ko, mahina na ako at walang kwenta. Kaya nga kitang saktan ngayon ng walang makakaalam na ako ang gumawa."

Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya. Nanghina bigla ang tuhod ko. Damn, what kind of person is she? She's freaking creepy and yeah, weird.

"Let me ask you something. Bakit galit ka sakanila?" kinakabahan kong tanong. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Natatakot talaga ako sa nerd na to.

"Kay Nica lang ako galit. Pinabagsak nila ang company ni Papa. Naghirap kami ng mahigit isang taon. Buti na lang tinulungan kami ng friend ni Papa kaya medyo nakabawi kami. Pero wala na. Hindi na maibabalik ang nawala samin. Damn her."

I really don't care. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yan. Baka mainis siya sakin at saktan ako. Oo, hindi ako matapang. Duwag ako.

Tinaas baba ko nalang ang baba ko para ipakita sa kaniya na may pake ako kahit wala naman.

"So, are we friends?" tanong niya. Wala naman siguro masama na makikipagkaibigan ako sa kaniya. Pero may naisip ako para kahit papaano, hindi siya nakakahiya kasama.

"Wag mo sanang mamasamain pero pwede bang mag-ayos ka? I mean, use contact lens instead of glasses."

"Mas maganda kung ganito ang istura ko. Hindi nila maiisip na makakagawa ako ng masama." matalino talaga siya. But i know that i'm smarter than her.

Tumango na lang ako at nag-smile siya ng nakakatakot.

"Ano, friends?" at inalok niya ang kamay niya.

"Yeah. Whatever. I'm Hannah. And you are?"

"Angel.."

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat