Chapter 31- Revelation

1.7K 58 8
                                    

JUSTINE's POV

"Guys, nakita niyo ba si Nica?" tanong ni Aira.

"Diba kayo ang magkakasama?" tanong ko.

"Nawala bigla e. Iniwan lang namin siya saglit sa souvenier shop. Sabi namin, babalik kami pero bigla siyang nawala." nag-aalalang sabi ni Leanne.

"Eh bakit niyo ba siya iniwan?"

Nagkatinginan si Aira at Leanne. Si Leanne na ang sumagot. "Ang totoo niyan, may ginawa kaming hindi niyo magugustuhan ni Kenneth."

"Ano?" kunot-noong tanong ni Kenneth.

Sasagot palang sa si Aira kaya lang dumating na si Nica. Pero may kasama siya.

Nanlaki ang mata naming lahat.

"Nikolai?! Tangina dude! Ikaw ba yan?!" gulat na gulat kami. Hindi kami makapaniwala na nasa harapan namin siya ngayon.

"Wala bang makakain diyan? Nagugutom ako." sabi ni Nikolai tapos lumapit siya sa table na may nakapatong na mga pagkain.

Nagkatinginan kami ni Kenneth at ngumiti ng nakakaloko.

"Aray! Puta! Umalis nga kayo! Ang lagkit niyo mga walangya!" sigaw niya. Natatawa nalang kami ni Kenneth. Niyakap namin siya kahit mga pawis na pawis kami. Humiwalay na ako pero nakayakap pa rin si Kenneth kay Nikolai.

"I miss you, dude!" sabi ni Kenneth at nakita kong hinalikan pa niya sa pisngi si Nikolai. Napangiwi kaming lahat. Lalo na si Leanne.

"Tangina ka! Papatayin kita!" galit na sabi ni Nikolai at naghabulan pa sila. Nangiti nalang ako. Nakakamiss to.

**

"Guys. Nagtext sakin si Steve. Nauna na daw siya. Marami pa daw kasi siyang gagawin." sabi ni Aira.

Mamayang hapon na rin naman ang uwi namin. Hindi pa sumabay.

Nandito kami sa room naming mga lalaki. Lunch na rin at nag-ayos na rin kami ng gamit para mamaya hindi kami gabihin pag umuwi.

Napatingin ako kay Nikolai. Hindi pa rin pala namin alam kung bakit bigla nalang siyang nawala.

Nauna na akong magsalita. "Dude, isang tanong, isang sagot." napatingin naman silang lahat sakin.

"Bakit ba bigla ka nalang nawala?"

Napatungo siya. Lahat sila'y naghihintay ng sagot. Maliban kay Nica. Siguro nasabi niya yon kay Nica.

Kinuwento niya naman samin. Seryosong-seryoso kami nga mga oras na yon ng bigla nalang may kakaibang amoy ang naging dahilan para mapatakip kami lahat ng ilong.

PUCHA! MAY UMUTOT!

"KUNG SINO MAN YUNG UMUTOT, PLEASE LANG! ITAE MO NA YAN! BULOK NA BULOK NA!" inis kong sabi habang tinitignan sila ng isa-isa.

At hindi lang isang beses naming naamoy ang napakabahong amoy na yon, NAULIT NA NAMAN! WALANGYA! NANANADYA E!

"SABI NG ITAE NA E!" naiinis na talaga ako. Papatayin ata kami sa baho!

Nagmadaling tumayo si Kenneth at mabilis na tumakbo palayo.

"Turn off." natatawang sabi ni Nica sabay tingin kay Leanne. Nakangiti lang si Leanne at nagpipigil ng tawa.

**

NICA's POV

Nasa van kami ngayon at pauwi na. Van pa rin ni Steve tong gamit namin. Nag-commute lang siya kanina nung umalis siya. Hindi namin alam kung bakit madaling-madali siyang umalis.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon