Chapter 29- Letter

1.5K 65 3
                                    

NICA's POV

Katatapos lang namin kumain at nandito ako sa kwarto. Nasa labas silang lahat. May naalala kasi ako. Yung envelope. Yung letter na galing kay Camille. Mamaya ko nalang ibibigay kay Justine yung kaniya.

Binuksan ko na yung letter na para sakin. Napangiti agad ako.

Dear ate..

Yes. Ate ang tawag ko. May problema? Well, i don't care naman kung may problema sayo. Babalik na pala ako sa pinanggalingan ko. Hindi ako magso-sorry dahil hindi uso sakin yon. So, ate.. wag mong kakalimutan ang lahat ng masasamang ginawa ko sayo ah? Kasi ako, hindi. Pabaon mo na yon! Hahaha!

At kung balak mo akong pigilan, sorry. Buo na ang desisyon ko.

Nga pala, sana mahanap mo na yung real family mo. Ng makaalis ka na sa mansion namin. Just kidding! Haha!

Hindi kita mami-miss. I hate you. :P

- Camille pretty.

P.S. I'M GORGEOUS!

Letse. Aalis na pala siya, may pagento gento pa. Ayaw nalang sabihin agad.

Pero letse ulet. Bakit parang ayaw kong umalis ang babaeng yon?

Pinunasan ko ang pisngi ko. Wait, umiiyak ako?

Napangiti nalang ako. I love her kahit na hindi kami tunay na magkapatid. Kahit ang sama ng ugali niya, gusto ko pa rin siyang kapatid.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Aira.

"Oy, ano bang ginagawa mo dito? Tara sa labas. Andito tayo to enjoy. Bakit ba nag-eemo ka dito?" sabi niya sabay upo sa kama.

"Na-miss ko gumawa ng kalokohan, Aira."

"Huh?"

Hindi ko na siya sinagot at tinago na yung letter. At saka siya hinila palabas ng room.

Paglabas pa lang namin, may nakita akong couple.

Ang gwapo nung boy at mukhang laging haggard yung girl. Alam niyo na ibig kong sabihin. Haha!

Binulungan ko si Aira. "Girl, manood ka ha."

"Huh?" ngumisi ako. At lumapit na dun sa dalawa. Naiwan si Aira pero hindi naman siya malayo. Sinugurado kong maririnig niya ang gagawin kong kalokohan.

"Hi." sabi ko sa kanila sabay kapit sa braso ni boy. Gusto kong malaman kung anong ugali meron yung girl. Kung warfreak ba.

Nagulat yung lalaki at tumingin ako dun sa girl. Kumunot ang noo niya. Hahaha!

"Babe, who is she?" tanong ni girl.

"Ah.. eh.. Ewan?" alanganing sagot ni boy.

"Hoy babae! Bitawan mo nga ang boyfriend ko!" inis na sabi nung babae.

"Hoy babae! May pangalan ako, Nica! Wait, girlfriend ka niya? Pinatulan ka niya?" natatawa kong sabi.

Namumula na siya sa inis. "What?! Hey btch! What the hell is your problem?"

"My problem? Your face!" narinig kong tumawa yung lalaki. At napatingin si girl sa kaniya. Ooops. Nangangamoy breakup. Aalis na ako.

Nang-gulo lang ho ako! Bago ko pa marinig ang pag-aaway nila eh mabilis akong naglakad palayo sabay hila kay Aira.

"Hey. What was that? Ang sama nito! Wala namang ginagawa yung dalawa ah!" pero natawa si Aira habang kausap ako.

"Eh kasi naman e. Panira ng view."

"Ikaw talaga. Pero sa totoo lang, nakakamiss nga yung mga kalokohan mo."

May nakita ang maganda kong mata.

"Huy san ka pupunta?" sigaw ni Aira. Tumakbo ako papunta dun sa babaeng naiyak. Mga highschool siguro siya.

"Hindi mo kinaganda ang pag-iyak sa ganitong kataong lugar. Mag-mumukha ka lang shokoy na naligaw." tamad na sabi ko.

Bali, nakaupo sa buhangin yung babae. Tumingin siya sakin. Kumunot ang noo niya. "Teka, kilala kita ah!" biglang sabi niya sabay tayo. Basta na niya pinunasan yung ilong niya. Geez. Yung sipon kumalat! Shokoy na sinisipon!

Magsasalita ulit sana siya pero inunahan ko na. "Wait. Bago ka magsalita, aalis muna ako." natatawa kong sabi. Hiningi ko kay Aira yung panyo na hawak niya. Ewan ko at may hawak siya na panyo.

"Oh." sabay abot ko dun sa girl.

Inabot niya naman yon pero hindi siya nagpunas. "Kilala talaga kita eh." tapos nag-isip siya saglit. "Ikaw si Natalie diba?"

Kumunot ang noo ko. Natalie?

"Oo. Ikaw nga!" sabay yakap niya sakin.

Shet. Yung sipon!

"Uhm, miss? Hindi ako si Natalie. Baka nagkakamali ka lang." kadiri talaga.

Bumitaw na siya. "Na-miss kita!" baliw ata tong shokoy na to.

"Nica, sino yan? Bago mong kaibigan?" biglang sulpot ni Aira. "May payakap-yakap pa. Tsaka nanghingi ka ng panyo diba? Bakit di mo ipahiram sa new found friend mo?"

Hindi ko na siya sinagot at hinila ko na siya at tumakbo palayo sa shokoy na sipunin. Baliw siya!

"Sino ba yun?"

Nakarating kami sa cottage. "Ewan ko nga e."

Natawa siya. "Ayan kasi. Nananahimik yung dalawa kanina, pinag-tripan mo. Kaya ayan, ikaw naman ang napag-tripan. Ang bilis talaga ng karma."

Ininom ko nalang yung juice na kinuha ni Aira.

"Hi girls." napalingon kami sa nagsalita. Still, nainom pa rin ako.

Muntik ng pumasok sa ilong ko yung juice. Ang sakit sa ilong! Paano ba naman kasi, si Steve, Justine at Kenneth, may dala dalang panty. Tig-iisa pa sila. Black, red at pink. Nakataas pa yun at pinapaikot pa nila sa kamay nila. At sa di kalayuan, may tatlong babaeng tumatakbo. At papunta sa direksyon namin.

"Waah! Andiyan na silaaaa! Takbooooo!" sigaw ni Kenneth sabay takbo nilang tatlo. Mga ultok talaga.

Nakawin ba naman yung panty nung tatlong babae. Natatawang lamapit si Leanne.

"Guys, may naisip akong gawin. For sure, magugustuhan niyo!" napangisi nalang kami ni Aira.

Sign na payag kami!

**

STEVE's POV

Tawa pa rin kami ng tawa nung nakuha na nung tatlong babae yung mga panties nila. Nakasabit kasi dun sa cottage nila. Pahaya haya e. Hahaha!

Bumalik na kami sa cottage pero nagtaka kami dahil wala sila Nica.

"Asan sila?" tanong ni Justine.

"Brief hunting?" natatawang sagot ni Kenneth. Natawa na din ako.

Ng bigla nalang may lumipad na cap sa may cottage namin. Malakas kasi ang hangin.

May lalaking pumasok sa cottage at pinulot yung cap at lalabas na sana pero pinigilan ko. Ewan. May nagtutulak sakin para pigilin siya.

"Pare! Saglit lang!" pigil ko. Nagtaka yung dalawa sa inasal ko.

"Nabakla na ata, dude." rinig ko pang bulong ni Justine kay Kenneth.

Nakatalikod samin yung lalaki. Agad naman siyang tumigil nung tinawag ko siya. Pero hindi humarap. Weird ang suot niya. Jacket at pantalon. Eh ang init-init. Nakita kong naka-shades din ang lalaking to.

"Humarap ka nga." sabi ko.

"At bakit? May kailangan ka ba?" nabato ako sa kinatatayuan ko ng magsalita siya. Natigil din sa pagdaldal sila Justine.

Hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa umalis na siya.

Hindi ko man nakita ang mukha niya pero sigurado ako. Si Nikolai yon!

NIKOLAI's POV

Mga gago. Namiss ko kayo.

Lalo ka na..

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now