Chapter 25- He blushed

1.5K 59 9
                                    

ANGEL's POV

Andito kami ngayon ni Camille sa coffee shop.

"Salamat naman at wala ng bwisit sa buhay ko." nakangiting sabi ni Camille sabay inom nung kape niya.

"Sino?" taka kong tanong.

Magkaibigan kami ni Camille. Pero ngayon ngayon lang siguro kami naging magkaibigan. Simula nung nag-iba na ang itsura ko.

"Si Nica." simple niyang sagot.

"Huh? Bakit? Hindi na ba kayo nagkikita? At saka ano palang nangyari matapos nung nangyari sa bar?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam ang dahilan kung bakit siya galit doon sa babaeng yon. Basta nalaman niyang galit ako doon, kaya naging magkaibigan kami. At sabi niya nga rin, ampon si Nica. Ang nakakapagtaka, paano niya nalaman? Anong koneksiyon nila? "At oo nga pala, paano mo nalamang ampon siya?" tanong ko pa.

Umirap naman siya. "Isa isa lang pwede? Ang dami mong tanong!" naasar niyang sabi. "Nagkita kami sa mall. Tapos syempre, nagtalo lang kami. Then yung tanong mo na kung anong nangyari matapos nung nangyari sa bar ay hindi na siya umuwi sa bahay at wala na rin ang mga gamit niya. Mukhang umalis na siya sa bahay, ang tibay niya naman kung titira pa siya samin kahit alam niyang ampon siya. Then paano ko nalamang ampon siya? Narinig kong nag-uusap sila Mom and Dad---"

"Wait, what do you mean? Naguguluhan ako. Nakatira siya sa inyo? And paano naman nalaman ng Mom and Dad mo yun?"

Tinignan niya ako na parang ang weird ko. Tapos, parang may naalala siya. "Di ko pa pala nasasabi sayo. Nakatira siya samin dahil akala ko nga, anak siya nila Mom. To make my explanation short, inampon siya nila Mom."

"Valdez ang surname mo diba?" tanong ko.

"Yes? Bakit?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Valdez ang surname niya. Valdez sila parehas ni Nica. Valdez ang nagpabagsak sa company ni Papa. Pero ayon sa kaniya, ampon lang si Nica. So, hindi Valdez si Nica.

Sht! Ibig sabihin, walang kinalaman si Nica sa galit ko sa pamilyang Valdez dahil hindi naman pala siya Valdez. At eto palang kasama ko ngayon ang dapat na kaaway ko. Si Camille at ang magulang niya lang.

"Huy okay ka lang?" tanong niya.

Hindi ako okay. Langya, hindi ako okay sa mga nalaman ko! Nagagalit ako sa isang taong wala naman palang kinalaman sa galit ko at kasama ko ngayon ang taong dapat kaaway ko. Kaibigan ko si Camille. Naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan kong magalit ako kay Nica. Bakit kasi ngayon ko lang naintindihan ang lahat? Bakit nung nalaman kong ampon lang si Nica ay hindi ko agad naisip na dahil ampon nga lang siya, hindi siya Valdez. So wala akong dahilan para magalit sa kaniya.

Dapat pa ba akong maghiganti? Kaibigan ko si Camille. Ayoko siyang masaktan. Pero si Nica, ang dami kong nagawa sa kaniya. Kaibigan niya ako, pero hindi niya alam na kaaway ang tingin ko sa kaniya.

Nakapagdesisyon na ako. Magbabago na ko. Aayusin ko na ang buhay ko. Kakalimutan ko na ang ginawa ng mga magulang ni Nica, mali, mga magulang ni Camille. Siguro may magagawa pa ako para bumalik ang company ni Papa sa dati at hindi paghihiganti ang sagot don.

Pero, may tao akong dapat na kausapin ngayon.

Tumayo na ako. "Huy, san ka pupunta?" tanong ni Camille.

"May aayusin lang ako."

**

"Napadaan ka?" sabi niya ng buksan niya ang pinto.

"Kailangan nating mag-usap."

"Ngayon na? Hindi ba pwedeng---"

"Ngayon na. Doon nalang tayo sa park."

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now