Chapter 20- Knowing her

1.8K 62 0
                                    

NICA's POV

"Ma'am, Sir, ano pong ginagawa niyo dito?!"

Nagulat ako ng may sumigaw. Napamulat ako at nanlaki ang mata ko ng makitang wala ako sa kwarto ko.

Tinignan ko ang paligid at naalala kong na-locked nga pala ako sa library ng school.

"Lakas mong humilik ah!" napatingin ako sa tabi ko. Nagulat ako sa pwesto ko. Pero mas nagulat ako ng makitang si Nikolai ang kasama ko. Oo nga pala! Na-locked kami!

Napabangon at napatayo ako dahil nakalagay pala ang ulo ko sa balikat ni Nikolai. Ngumisi lang siya.

Napatingin naman ako sa pinto. Andon yung guard at nakatitig samin. Agad ko siyang nilapitan.

"Ma'am, bakit po kayo nandito? Pagbukas ko po---"

"Ni-locked mo lang naman agad tong library ng hindi chinecheck kung may tao pa ba sa loob. Gusto mo ba mawalan ng trabaho?!" galit kong sabi. Nakakainis.

"Ma'am sorry po. Wag niyo naman po ako tanggalan ng trabaho. Pakiusap po."

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si Nikolai. "Sige na kuya. Okay lang. Wag kayong mag-alala, ako ng bahala kay Nica. Hindi kayo mawawalan ng trabaho." tinignan ko naman siya ng masama. Pero ngumiti lang siya. Ayan na naman siya sa pagngiti.

Nagpasalamat nalang yung guard at umalis na rin para siguro buksan na rin ang ibang rooms.

Aalis na din sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Problema mo?" tanong ko.

"Hindi ka ba nagugutom?"

"Wala kang pake. Bitaw nga!"

"Kain tayo. Nagugutom ako." tapos hinila na niya ako palabas.

Hindi na ako nag-inarte kasi gutom ako. Kagabi pa ako hindi kumakain no. Nagugutom na ako.

Sumakay kami sa motor niya. Mabilis siya magpatakbo kaya naman napapakapit talaga ako ng mahigpit sa kaniya. Bwiset, tsansing daw ako.

Akala ko sa isang fastfood chain kami kakain pero sa condo unit niya kami nagpunta. Mayaman din pala tong unggoy na to.

"Ipagluluto kita." sabi niya ng makarating kami. Umupo ako sa sala at nagdiretso siya sa kusina.

Napatingin ako sa paligid. Malinis. Black at White lang ang mga gamit niya pero ang gandang tignan. Bakit ang linis niya? Hindi halata ah.

May klase pa kami mamaya kaya binilisan niya na rin ang pagluluto.

"Tara. Luto na." yakag niya kaya nagpunta na ako sa dining table. Duhh, gutom na talaga ako.

Napatingin ako sa niluto niya. Fried rice, bacon, egg, hotdog, at fried chicken. Kumuha na ako ng plate at nagsandok na ng kanin.

Habang nakain ako, napatingin ako sa kaniya. Hindi siya kumakain. Nakatitig lang siya sakin. Kaya naman nakaramdam ako ng pagka-ilang.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.

"Alam mo, ikaw pa lang ang babaeng dinala ko dito sa condo unit ko."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Oh? Anong gusto mong gawin ko? Magtatatalon sa tuwa? Psssh."

"Kain ka lang diyan. Wag kang mahiya. Wala ka naman nun." tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya.

Natapos akong kumain. Uuwi na ako dahil hindi pa ako naliligo. Ang baho ko na ata.

Tumayo na ako at uuwi na sana.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now