Chapter 10- Fake Friend

1.9K 69 0
                                    

ANGEL's POV

Walang kwenta si Hannah.

Alam ko na kung sino gagamitin ko. Sisiguraduhin kong tama at may halaga na siya.

Sisirain kita, Nica. Magiging miserable ang buhay mo.

EZRA's POV

Pumunta na akong locker ko para sana magpalit ng damit. Pero may isang note na umagaw ng atensyon ko.

Ezra, magkita tayo. Sa mini park. After class. See you! ;) -Nica

Anong kailangan niya? Ako siguro ang pinila niya. Hiniwalayan niya na ata yung Nikolai na yon. Ang saya ko. Hahaha.

Gusto ko na tuloy matapos ang klase.

NICA's POV

Papunta na ako sa next class ko. Nasan kaya sila Leanne? Hindi ko pa sila nakikita simula kaninang umaga ah.

Pumasok na ako sa room. Kukunin ko sana yung notebook ko ng may makita akong papel. Hindi naman siya kakaiba pero wala naman kasi akong maalala na may papel na ganito dito kanina.

Tinignan ko at may note pala.

Nica, magkita tayo. Sa mini park. After class. See you! ;) -Ezra

Bakit siya nakikipagkita? Diba binalaan na siya ni Nikolai? Hindi ba niya alam na pwede siyang masaktan kapag kinalaban niya ang isang Supreme. At leader pa.

May kindat pa ah. Tss. Malanding lalaki.

**

Lunchbreak.

Nakasalubong ko ang Supremes papuntang cafeteria.

Tinignan ko kung kasama nila si Hannah, pero wala. Aba, himala ata at hindi siya nakabuntot kay Nikolai.

Lalagpasan ko sana sila ng biglang magsalita si Kenneth. "LQ ata ang lovebirds!"

"Bakit kayo hindi nagpansinan?" rinig kong tanong ni Justine.

Nilapitan ako ni Nikolai at mabilis na hinila papuntang cafeteria.

Narinig kong inaasar pa nila kami pero hindi ko na pinansin.

Nakarating kami sa cafeteria.

"What's your problem?" irita kong tanong sa kaniya. Bigla nalang manghihila eh.

"Let's have a date." bored niyang sagot.

Napataas nalang ang kilay ko.

"Ayoko."

"It's a command. And, I don't take no as an answer."

"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!"

Napalakas ata ang boses ko dahilan para magkaroon ng mga bulungan.

"Nangangamoy break-up." narinig kong sabi at napalingon ako. Si Hannah pala, naka-ngisi.

Nilapitan ko siya at kinuha ko ang baso ng juice na nasa harapan niya at binuhos sa kaniya.

Napatayo siya sa inuupuan niya at mabilis akong sinampal. Shit, di ako ready.

"Ganito bang klaseng babae ang pinalit mo sakin, Nikolai?! She's a brat! A bully! A loser! Siguro napapagod na din ang mga magulang niyang mag-alaga sa kaniya---" tinulak ko siya ng malakas at napaupo naman siya sa sahig.

Hinarap ko si Nikolai. "Tawagan mo na lang ako kung kailan at saan." then i left. Ayoko ng tumagal sa lugar na yon.

Nakasalubong ko naman ang Supremes na akala ko'y kanina pa nakaalis. Yun pala, kanina pa nakikinig sa amin.

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now