Chapter 33- Dream

1.6K 53 0
                                    

NICA's POV

"Ma'am Nica.."

*tok.tok.tok.

"Ma'am.."

"Tulog!" naiinis kong sabi at nagtalukbong ng kumot.

"Ma'am Nica, may bisita po kayo. Kanina pa po siya naghihintay sa salas. Kayo po ang hinahanap."

Napamulat naman ako. Bisita? Wala naman akong akong inaasahang bisita ah.

"Umuwi na kamo siya! Natutulog pa kamo ako!" sigaw ko.

"Eh ma'am--- sir? Ah opo. E-eh tulog pa po siya. Pero sir---" narinig kong sabi ng katulong at bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Napatingin ako at nanlaki ang mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?! At paano mo nabuksan ang pinto eh---"

"Wag ka ngang sumigaw. Mag-ayos ka na. Aalis tayo."

"At saan naman tayo pupunta?" wala na akong pakialam kung may panis na laway pa ako. Maganda pa rin naman ako.

"It's our date today, remember?"

Bigla naman akong napaisip at Saturday nga ngayon!

"Iintayin kita sa baba. Bilisan mo." tapos umalis na siya.

Boss talaga siya kahit kailan. Ako naman, si sunod.

Pumunta na akong cr at ginawa ang dapat gawin. Magbibihis na ako ng maisip kong wala akong bagong dress.

Gusto ko naman magmukhang maganda sa paningin niya. Ano bang gusto niya? Simple o yung tipong nangse-seduce?

Sa huli, pinili ko yung simple white dress na above the knee.

Naglagay lang ako ng light make-up then lumabas na ako ng kwarto ko.

Pagbaba ko, nakita kong nakaupo siya sa sofa at nakakunot ang noo. Masyado ba akong matagal? Hahaha!

Napatingin siya sakin.

"Bagay sayo. At bagay yan sa lugar na pupuntahan natin." sabi niya at hinila na niya ako palabas ng bahay.

Napaiwas ako ng tingin. Lagi nalang akong kinikilig sa lalaking to. Nakakainis.

Car niya ang ginamit namin. Bago ba to? Color black kasi yung dati niya, gray na ngayon at medyo maganda to kesa yung sa dati.

"Ganda ng kotse mo ngayon ah?"

Ngumisi lang siya. Asensado ang ultok.

Tumigil kami sa isang simbahan.

Lumabas na siya at nagulat ako ng buksan niya yung pinto sa gilid ko.

"Gentleman! Anong nakain mo?" pang-aasar ko.

Nginisian niya lang ulit ako.

He's acting weird. Kanina pa siya ngisi ng ngisi.

Kinuha niya ang kamay ko at pumasok na kami ng simbahan. Napangiti ako. Ang bait ng boyfri--- hay. Hindi pala kami. Well, parang. Pero hindi.

Ang labo naman kasi ng lalaking to.

Pagpasok namin, nagulat ako sa paligid.

Parang may ikakasal.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung mga nakaupo sa unahan. Sila Leanne! Kasama si Kenneth. Andon din si Aira at Justine.

Mga nakaayos sila. Halatang pinaghandaan.

"Nikolai?"

Ngumiti siya. "We're getting married."

Yun lang naman pala eh.







The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon