Chapter 22- Day One

1.6K 67 3
                                    

NIKOLAI's POV

Kinuha ko siyang personal maid ko hindi dahil gusto ko siyang pahirapan, ginawa ko yon dahil gusto kong mas lalo akong mapalapit sa kaniya. Kung araw-araw kaming magkasama, hindi malabong maalala na niya ako.

Walang pasok ngayon kaya naman naisipan kong puntahan si Nica sa kwarto niya. Tanghali na kasi, tulog pa siya. Gigisingin ko lang, wag kayong mag-isip diyan ng kung ano-ano.

Pagpasok ko, nakita kong ang gulo ng kwarto. Ang linis linis nito kahapon nung wala pa siya ah. Lilinawin ko lang, hindi kami magkasama sa iisang kwarto. Dalawa ang kwarto sa condo unit ko.

Nakakalat ang kumot sa sahig. Yung isang unan, nasa malapit sa pinto. Tapos yung mga damit niya, nakatambak lang. Hindi man lang inayos kagabi. Napailing nalang ako.

Nilapitan ko siya. Ang ganda niya talaga. Ang bait bait niyang tignan pag tulog siya. Bago pa may pumasok na kalokohan sa utak ko, agad ko ng tinapik ang pisngi niya.

"Gising na, tanghali na. Huy." pero wala. Ni hindi nga siya gumalaw.

Ayaw mong gumising ha. Kinuha ko yung nakakalat na marker sa table at nagdo-doodle sa mukha niya.

Natawa nalang ako. Permanent pa man din to. Mahihirapan siya magtanggal. Hahaha!

"Huy. Gising." inalog-alog ko siya. Ayun, nagmulat na.

"Mamaya na nga. Istorbo!" sigaw niya sakin at nagtalukbong pa ng unan.

"Baka nakakalimutan mong personal maid kita, kaya lahat ng iuutos ko, susundin mo. Bumango ka na!" sigaw ko. Agad naman siyang bumangon. Good.

"Oo na! Letse!" sabi niya sabay pasok sa cr ng kwarto. Agad na akong lumabas. Mahirap na, baka masuntok ako. Ang lakas pa man din niya.

"NIKOLAIIIII! HUMANDA KA SAKIN!!!! BWISET KA!!" sigaw niya. Nandito ako ngayon sa salas at nanonood ng tv. Napatingin ako sa gilid ko at si Nica! Pulang-pula siya! Ewan ko ba kung dahil sa hindi niya matanggal yung marks o dahil sa galit niya!

Napatingin ako sa hawak niya at nakita kong sandok yon.

Bigla nalang niya akong hinampas. "Aray! Ano ba?! Masakit!" reklamo ko. Pinagpapalo niya pa rin ako.

"Bwiset ka! Ang hapdi tuloy ng mukha ko! Asar!" tapos tumigil na siya.

"Kumain ka na. Nagluto na ako."

"Ikaw pa ang nagluto, eh ikaw tong amo sating dalawa." sabi niya.

Oo nga no?

"Kumain ka na diyan." tapos nanonood na ako ng tv. Pumunta na rin siya sa dining area at kumain.

Maya-maya may narinig akong nabasag. Sa dining area yon! Dali dali akong pumunta sa dining area at nakita kong nabasag yung baso. Nagkalat ang bubog sa sahig.

Nakatayo lang si Nica sa sahig at parang iiyak na. "Bubuhatin kita." sabi ko at agad siyang binuhat at nilayo doon. Wala pa siyang suot na tsinelas, eh ang lamig ng sahig.

Nilapag ko na siya sa sofa. "May masakit ba sayo?! Ano?! Nasaktan ka ba?!" taranta kong tanong.

"O-okay lang ako. Walang masakit."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Sa susunod, mag-iingat ka! Paano kung sa paa mo nalaglag yung baso?! O kaya naman may naapakan kang bubog! Edi nasaktan ka!" sigaw ko.

Narinig kong humikbi siya. Umiiyak na siya. Tangina, bakit ko siya pinaiyak?

"Sorry. I'm sorry, Nica."

The Brat meets her Katapat (COMPLETED)Where stories live. Discover now