Special Chapter 2

98.5K 1.9K 122
                                    


Scarlett's POV

Napamulat ako ng mata nang mapansing wala na akong katabi sa kama. Bumangon na ako at nag-ayos sa banyo. Medyo tanghali na akong nagising at buti nalang walang pasok ngayon dahil Sabado.

Pagbaba ko ay puro katulong ang nakita ko sa baba. Hindi mahagilap ng mata ko ang tatlong anak ko.

"Manang, asan yung kambal at si Meghan?" tanong ko

"Yung kambal umalis pagkaalis ni Jack. Si Meghan naman ay tulog pa." sabi nito habang naglalagay ng plato sa harapan ko

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manang. Saan na naman kaya nagsuot ang dalawang iyon? At talagang pinauna muna nilang makaalis ang daddy nila bago sila umalis.

Naiiling nalang ako at nag-umpisa ng kumain. Tama nga naman si Jack. Malalaki na sila. Pero hindi pa rin ako mapakali tuwing aalis sila sa bahay.

"Good morning, mom." bati ni Meghan bago humalik sa pisngi ko

"Hey! Good morning sweetie. Join me." nakangiting yaya ko sa kanya

"Hindi po kayo sabay ni dad na nagising?" tanong nito habang kumukuha ng pancake

"Yeah. May maagang meeting ang daddy mo eh. Susunod ako sa opisina. You wanna come with me?"

Mula nang magbuntis ako kay Meghan ay huminto na ako sa pagmomodelo. Kahilingan iyon ni Jack at siya na rin ang umayos ng kontrata ko sa States dahil may tatlong buwan pang natitira doon.

Si Rina na ngayon ang may hawak ng kompanya namin sa States. Masasabi kong hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya dahil naalagaan niya ang kompanya. Kasama na rin niya ang magulang at kapatid niya sa States.

"No, mom. May lakad kami ni Ate Azalea tsaka Gavin." sabi nito

Gagala nanaman pala silang magpipinsan. Buti nalang talaga at napagtitiisan ni Gavin ang kakulitan nila Azalea at Meghan.

"Wag mong pasikitin ang ulo ni Gavin, ha? Pasaway ka pa naman. Umiwas kayo sa gulo at alam mo namang mainitin minsan ang ulo ng Ate Azalea mo." bilin ko rito

Napahagikgik ito sa sinabi ko pero tumango rin agad. Minsan kasi ay takaw-gulo si Azalea. Hindi na ako magtataka dahil malamang namana niya iyon sa magulang niya. Pero mabuti naman siyang dalaga sadyang may pagka-amazona lang siya tulad ng ina.

Nagpaalam na ako sa kanya at bumalik na sa kwarto namin ni Jack. Hindi pa ako nakakapasok sa banyo ay tumunog agad ang cellphone ko.

Napangiti ako nang makitang si Jack ang caller.

"Yes baby?" sagot ko rito

[Good morning baby. Kanina ka ba gising? Di kita agad natawagan kasi kakatapos lang ng meeting namin. Have you eaten your breakfast?] malambing na sabi nito

"Kakatapos ko lang. Maliligo lang ako tsaka magbibihis then punta na ako dyan."

[Sure baby. Anyway, naiwan ko ata dyan yung isang file na kailangan kong pirmahan. Can you find it for me, baby? Baka nasa study room.]

"Sige. Nasa folder ba or envelope?"

[I think nasa plastic folder siya na kulay blue.]

"Okay. Hahanapin ko nalang mamaya."

[Take care baby. I love you.]

"You too. I love you too."

Nagtungo ako sa study room ni Jack at kinalkal ang mga drawer niya dahil walang laman ang table. May nakita akong tatlong plastic folders at puro kulay blue. Sabi niya nakalagay sa plastic folder na blue.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now