Special Chapter 3

25.8K 763 95
                                    


I can't hide my smile while looking at my children with their family. All those hardships while raising them were all worthwhile. I can't ask for more. I have a loving wife and my children are all happy now with their family.

They all greeted me when they saw me approaching. They all gave me a warm hug and my grandchildren ran towards me happily. Lahat sila ay binigyan ako ng halik sa pisngi at binigyan din ng yakap.

"Dad, are you going to visit mom?"

I silently nodded at Niall who asked that question. Nagpaalam ako sa kanila bago magtungo sa kotse ko. Habang binabaybay ko ang daan, naalala kong bumili ng mga bulaklak kaya bumili ako ng apat bouquet ng bulaklak.

Nagpark ako ng kotse at bumaba nang makarating ako sa destinasyon ko. Dinama ko muna ang simoy ng hangin bago ako maglakad muli. Dala ko sa magkabilaang kamay ko ang mga bulaklak.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng masoleum nang mahanap ko iyon. Mabuti na lang at palagi namin iyong pinalilinisan kaya palaging malinis. Binaba ko ang tatlong bulaklak sa mga puntod at malungkot na ngumiti.

Ilang taon na ang lumipas noong nawala sila dad at mama, my stepmother. Pero sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin at para sa pamilya ko. Dad never gave up on me and helped me along the way para makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko kay Scarlett.

Kahit na nagka-edad na kami, gusto ko pa ring bumawi sa asawa ko. Gusto ko pa ring ibigay sa kanya ang lahat. At hindi ako kailanman napagod sa kanya at kahit may mga pagsubok man sa aming pagsasama, hindi ko siya sinukuan.

"Ma. Dad. Thank you for everything."

Ni-lock ko ang masoleum bago ko lisanin ang lugar na iyon. Nagdrive ako ulit papunta sa susunod na destinasyon ko.

I am now standing in front of a very familiar double door, it's my wife parents' house that she got as an inheritance. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng bahay.

"Sir Jack, nasa kwarto po si Ma'am Scarlett." imporma sa akin ng isa sa mga katulong sa bahay

"Kumain na ba ang asawa ko?" tanong ko sa kanya

Malungkot na umiling ito sa akin na hindi ko na ikinagulat. Hindi ko napigilan ang mag-alala at magbuntong-hininga.

Kusina ang una kong pinuntahan at binilin ko sa lahat na wag sabihin sa asawa ko na nandito ako ngayon. Nagluto ako ng sopas kanina para dalhin dito at nagbake din ako ng pandesal para sa kanya. Agad ko iyong ininit at inihain sa mangkok at plato.

"Sir, kailangan niyo ba ng tulong?" tanong sa akin ni Sheila na isa rin sa mga katulong dito

"Hindi, ayos lang ako dito. Pwede bang ikaw na ang magdala nito mamaya sa asawa ko? Huwag mong sabihin sa kaniya na nandito ako, ha?"

Mabilis na tumango-tango naman siya sa mga bilin ko sa kanya. Nilagay ko ang mga pagkain sa tray at nilagyan ko rin siya ng kape at tubig.

"Tsaka itong bulaklak pala. Huwag mo rin ipaalam na galing sa akin, ha? Sabihin mo galing dyan sa garden." kinakabahan na bilin ko muli sa kanya

Masigla siyang tumango sa akin at masayang nagtungo sa kwarto ni Scarlett. Hindi ko alam kung kakain ba siya ng mga hinanda ko para sa kanya, sana naman ay kumain siya para mabawi niya ang lakas niya.

Nanatili ako sa may kusina at hinintay ko si Sheila na natagalan sa pagbalik. Agad akong napatayo nang matanaw ko si Sheila na papunta sa kusina.

"Kumain ba siya?" salubong ko sa kanya

"Hindi po, Sir. Pero pinaiwan niya iyong pagkain. Sana kumain na si Ma'am." malungkot na sagot niya

Nagpasalamat ako sa kanya bago ako nagtungo sa kwarto na nasa taas. Dito rin ako natutulog sa bahay na ito pero natutulog ako sa kwarto na pinakamalayo sa kwarto ni Scarlett para hindi niya malaman na nandito ako.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now