Chapter 30

101K 1.9K 265
                                    


Scarlett's POV

"DADDY!" sabay na sigaw ng dalawa

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita si Jack na seryosong nakatayo doon pero agad na ngumiti nang lumapit ang kambal.

"Hey. How's my sons?" masiglang bati niya

"We're good!"

"Tita Chloe bought us toys!"

Tumingin sa gawi namin si Jack at ngumiti kila Harry at Chloe.

"Nice to see you." nakangiting bati nito

"Nice to see you too." sabi ni Harry at nakifist bump

"It's really nice to meet you, Jack. Dahil ako ang sasapak sa'yo pag sinaktan mo ang babaeng to." sigang sabi ni Chloe

Natawa nalang kami sa sinabi niya. Binalingan naman ni Jack si Lauren.

"Oh? Napadpad ka dito. Akala ko wala kang balak na bisitahin si Mama eh." asar nito sa kanya

"Busy lang ako." nakairap na sabi ni Lauren

Tinawanan lang siya ni Jack at tumingin siya sakin. Hindi pa niya ako binabati. Tsaka bakit ang aga niya? Alas-diyes pa lang ah.

"Guys, akyat muna kami ni Scarlett sa taas. May pag-uusapan lang kami." seryosong sabi niya

Tumango naman ang tatlo sa kanya. Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya papunta sa kwarto namin sa taas. Nang makapasok kami sa kwarto hinubad niya ang coat niya at niluwagan ang necktie niya.

"May problema ba, Jack?" tanong ko sa kanya

"Yes." seryosong sagot niya

Naupo siya sa kama at sinumulan niyang alisin ang sapatos niya.

"A-Ano yung problema, Jack?" utal na tanong ko

Kinakabahan ako dahil sobrang seryoso niya at parang may hindi magandang nangyari. Tumingin siya sakin at napabuntong-hininga.

"Na-mimiss kita. Malaking problema yun." malambing na sabi niya at nag-pout pa

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Is he playing some prank on me? Kinakabahan na ako rito, yun pala hindi naman ganoon kaseryoso.

"Pinag-tritripan mo ba ako, Jack?" inis na tanong ko sa kanya

"Baby naman eh. Miss kaya kita tapos aalis ka pa." naglalambing na sabi niya

Muntik ko na siyang batukan sa inis. Akala ko talaga may problema siya! Sus! Naglalambing lang pala.

"Babalik naman ako agad." sabi ko sa kanya

Tumayo siya at niyakap ako sa bewang.

"Sumama nalang kaya ako. Mamimiss kita." paglalambing niya

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa kakulitan niya. Anong sasama? Marami pa siyang trabaho dito at walang makakasama si Mama Sam na mag-alaga sa kambal.

"Hindi pwede. Teka. Mag-iimpake na pala ako para wala na akong gagawin bukas."

Hihiwalay na sana ako sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya sakin. Halos mapapiksi ako nang maramdaman ko sa leeg ko yung labi niya.

Oh god. Here we are again.

"J-Jack, magpahinga ka muna." saway ko sa kanya

Hindi niya ako pinansin at mas pinagpatuloy pa niya ang paghalik sa leeg ko. I bit my lip to suppress my moan.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now