Chapter 12

111K 2.5K 445
                                    


Scarlett's POV

"Ready Isabelle?"

I smiled at Leo and nodded my head. Tinawag na nila ang flight namin.

"Mag-ingat ka roon anak ha." bilin sakin ni mom

"We will visit you there." sabi naman ni Kuya

"Leo, take care of my daughter." bilin naman ni dad

Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi. Mamimiss ko silang lahat.

"Bessy, susunod kami doon, okay? Aayusin ko lang yung mga credentials ko sa school."

Yumakap naman ako kay bessy. Doon na rin siya mag-aaral sa States at magkakasama kaming apat sa isang bahay. Kasama na rin si Harry dahil ayaw niyang malayo kay Chloe. Cancelled na ang international photoshoot namin dahil nga sa buntis ako.

"Take care of yourself, Lett." sabi naman sakin ni Harry

Yumakap ako sa kanya pero mabilis ko ring kinalas dahil tinatawag na ang flight namin. Ngumiti ako sa kanila bago tumalikod.

Pagsakay ko ng eroplano, kakalimutan ko na si Jack. Mag-uumpisa ulit ako at tatayo sa sarili kong paa. Kasabay ng pagtalikod ko ang pagtalikod ko rin sa pagmamahal ko kay Jack.

Good bye for now...

Jack's POV

Matagal na akong naghahanap kay Isabelle.

Nagpunta ako sa dean para itanong ang full name ni Isabelle pero hindi nila masagot dahil sa madaming Isabelle. Hinanap ko lahat ng Isabelle sa university pero wala ni isa sa kanila ang Isabelle na hinahanap ko.

Wala kong alam kay Isabelle. Maliban sa pangalan, itsura at kaibigan niya. Nagtanong ako sa mga taong nakita kong naging kasama ni Isabelle noon.

Isabelle Garcia

Yan ang buong pangalan niya. Pumunta ako sa Dean para tanungin ang information ni Isabelle Garcia pero ang naibigay lang sakin.

Isabelle Garcia

19 years old

3rd year college, Fashion designing

Yan lang ang nakasulat sa information niya. Ni address wala! Tinanong ko sa dean kung paano nangyari iyon pero ang sabi niya sakin hindi niya alam.

Hinanap ko ang bestfriend niya pero hindi ko rin siya mahanap. Ang sabi nila sakin, siya si Chloe Alexa Montefalcon.

Hinanap ko ang information niya sa dean pero wala silang binigay dahil confidential daw iyon lalo na't anak siya ng isang kilalang businessman. Ang tanging nalaman ko lang ay umalis siya ng bansa ilang araw bago ko siya hanapin. Wala silang ideya kung saang bansa.

Nagpunta ako sa bahay ni Isabelle. Nag-abang ako kung sakaling bumalik siya o yung nanay niya pero walang bumalik. Walang Isabelle. Wala ang anak ko.

Halos araw-araw ako doon para makita ko siya. Gusto kong pumunta sa mansion nila Scarlett pero hindi pwede dahil mapatay nila ako doon.

Nalaman ko rin na umalis si Scarlett ng bansa dahil raw sa isang international photoshoot niya. Nabalitaan ko lang yan sa TV. Pero isang taon akong naghintay na bumalik siya pero wala pang bumabalik na Scarlett.

Mahirap gumawa ng hakbang lalo na pag wala kang sapat na connection. Naka-graduate na ako sa college at CEO na ako ng kumpanya namin. Mag-hire ako ng private investigator para hanapin sila pero wala pa rin.

"Sir, nandito po yung P.I. niyo."

Tinignan ko lang ang secretary ko at tumango sa kanya. Pumasok ang private investigator na kinuha ko. Bago lang siya dahil palpak lahat ng apat na imbestigador na kinuha ko

"Hanapin mo ang babaeng ito, siya si Isabelle Garcia. Pati rin ito, si Scarlett Lewis. Anak siya ng sikat na businessman na si Ricardo Lewis. Mag-pinsan sila ni Isabelle Garcia. Gusto kong mahanap mo sila sa lalong madaling panahon."

"Masusunod sir."

Kinuha niya ang envelope na may lamang information nila Isabelle at lumabas na. Bakit ang hirap hanapin ni Isabelle? Ganoon ba siya kagaling magtago?

Enrique's POV

"Pinapahanap pa rin niya ang kapatid niyo, boss."

Napangisi ako sa sinabi ng tauhan ko. Akala mo ba Jack hindi ko alam ang ginagawa mo? Let's play hide and seek.

I won't let him know any single information about my sister. Kahit halug-hugin niya ang buong mundo, hindi niya mahahanap si Isabelle Garcia dahil walang nag-eexist na Isabelle Garcia. At hindi rin niya mahahanap si Scarlett dahil ang mga kinukuha niyang imbestigador ay puro mga tao ko.

Isa lang siyang baguhan sa larangan ng negosyo kaya hindi niya mapapantayan ang meron ako. Connections. Kahit na mataas ang posisyon niya at matalino siya, hindi pa rin sapat iyon.

Hindi ko siya hahayaang makita ni hibla ng buhok ng mga pamangkin ko. Ni dulo ng daliri nila hindi ko ipapahawak sa kanya. Sinaktan niya ang kapatid ko at pinagtabuyan. Alam kong nagsisisi siyang pinagtabuyan niya ang batang dinadala ni Scarlett pero gusto ko.... sising-sisi siya.

Yung tipong konting tulak nalang, luluhod na siya. Nagmakaawa ang kapatid ko sa kanya kaya paluluhurin ko rin siya.

I am more evil than you Jack.

*****************************************

Short update lang po iyan. Pampabitin kumbaga..hahahaha

Keep reading!

-LadyCode

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now