Chapter 13

122K 2.5K 545
                                    


Scarlett's POV

Mula noong dumating kami rito sa States wala na akong ibang ginawa kundi titigan ang litrato ni Jack. Baby, bakit mo ba pinapahirapan si mommy? Siya yung nanakit sa'tin kaya bakit gusto mo siyang makita?

Hinaplos ko ang tiyan ko, ilang gabi na ba akong umiyak dahil gusto kong makita si Jack? Alam kong dala ito ng pagbubuntis ko at nahihirapan ako sa moods ko.

Kahapon nga naisip kong umuwi ng Pilipinas para makita si Jack pero pinigil ako ni Leo. Sinabi niya na siya ang dahilan kaya ako umalis ng Pilipinas kaya dapat na hindi muna ako bumalik doon lalo na't magulo pa ang lahat.

Dumaan sa harapan ko si Leo na nakabusangot ang mukha kaya napahagikgik ako. Ang cute niya pag nakabusangot para siyang bibe. Binitawan ko ang litrato ni Jack at binalingan si Leo.

"Pssst! Leo!" tawag ko rito

"Oh?" bored na sagot nito

"Lika rito." utos ko

"Bakit nanaman?! Kukurutin mo nanaman ang pisngi ko?!" inis na tanong nito

Napakurap kurap ako at napayuko dahil naiiyak nanaman ako. Nakakainis talaga. Naiiyak nanaman ako sa simpleng bagay.

Hindi ko na napigilan ang magpakawala ng hikbi at pagtulo ng luha ko. Napagdidiskitahan ko kasi palagi ang pisngi ni Leo.

"H-Hey Isabelle! I'm sorry.. Frustrated lang ako." pag-aalo nito sakin

Hindi ko siya inimik at mas nilakasan ko ang hikbi ko. Nakakainis kasi sila. Hindi nila nararamdaman ang hirap ng magbuntis kaya ganyan sila.

"Sorry na Isabelle.. Pinapauwi kasi ako ni papa sa Korea kaya naiinis ako."

Huminto ang pag-iyak ko at napatingin sa kanya. Pupunta siyang Korea? Iiwan niya ako?

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Waaaaah! Hindi ko na siya mapipisil sa pisngi! Hindi ko na siya mayayakap!

"Hush, Isabelle.. Next week pa naman akong aalis eh! May gusto ka bang kainin? May masakit ba?" tarantang sabi nito

Niyakap niya ako pero tinulak ko lang siya. Naiinis ako sa kanya.

"Ayoko sa'yo! Hmp!" pagtatampo ko rito

Yayakapin sana ulit niya ako nang may mag-door bell. Pinunasan ko ang luha ko at masiglang pumunta sa pinto. Moodswings. Tss.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang nasa labas ng bahay.

"Surprise?" patanong na sabi nito

"EDWAAAARRRDDD!" masayang sigaw ko

Mabilis na niyakap ko siya at nagtatalon sa tuwa. Namiss ko siya at masaya ako na nandito na siya.

"Hey! Stop jumping!" saway nito sakin

Tuwang-tuwa ako kaya hindi ako makatigil sa kakatalon pero natigil ako nang hawakan niya ang bewang ko iangat ako kaya hindi na ako makatalon.

"You are pregnant. Stop jumping, okay?" seryosong sabi nito

Tumango ako sa kanya kaya nilapag na niya ako. Napatingin ako sa dala-dala niyang paper bag. Parang may naaamoy akong mangga eh.

"Seth?"

Naalis ang atensyon ko sa mangga at napatingin kay Leo. Oh. Hindi pala niya alam ang tungkol kay Edward.

"Leo.." seryosong sambit ni Edward

"What are you doing here? Magkakilala kayo?"

Hindi ko na pinansin si Leo dahil hindi naman ako ang kausap niya. Mabilis na kinuha ko ang paperbag na dala ni Edward at pumunta na ako sa kusina. Bahala na sila doon.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now