Chapter 28

103K 2.1K 248
                                    


Jack's POV

Ngiting-ngiti ako habang naglalakad papunta sa opisina ko. Ayoko sanang pumasok dahil gusto kong mag-out of town kami kaso pinilit ako ng ASAWA ko na pumasok ngayon. Marami kasing kailangan asikasuhin para sa magazine na ilalabas this month.

Gandang sabihin ng salitang asawa ko. Hindi ko inasahan na mangyayari lahat ng to. Gusto kong maghinay hinay sana muna kami kaso hindi ko napigilan lalo na nang sabihin niyang panagutan ko siya.

I am so happy. Kumpleto na kami. Okay na kami ng mga anak ko. Ang maihihiling ko na lang ay ang masundan sila. That's my goal now.

"Good morning Sir!" bati sakin ni Jolina

"Very good morning Jolina!" masayang bati ko sa kanya

Mukha namang nagtaka siya sa maaliwalas na mukha ko. Nasanay siguro siya na seryoso lagi ang ekspresyon ng mukha ko. Sumunod siya sa opisina ko para sabihin ang mga schedules ko.

"Sir, may meeting po kayo with Advertising Dept. at 11am. Meeting with the board members at 2pm. Tapos may meeting po kayo with our models at 3:30pm. Then may dinner po kayo with.........uhmmmm.... S-Scarlett Miller?" naging patanong ang huli niyang sinabi

"Yes. Scarlett Miller." I stated

"Sir, di ba si Miss Red to?" takang tanong niya

"Yeah." tipid na sagot ko habang nag-sosort out ng mga papeles

Napatunghay ako nang naupo ito sa tabi at walang sabi sabing kinuha ang kamay ko. May pagkabalahura talaga ang sekretarya ko. Tsk.

"Sir! Ano to?! Wedding ring?! Kasal na po kayo?! Kanino po?! Kay Miss Red?! Oh my! Congrats Sir! Bakit hindi niyo man lang ako inimbita?! Nakakasama ng loob!" tuloy-tuloy na sabi nito

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at umayos ako ng upo. Seryoso ba siya sa pagtatanong niya? Eh sinagot niya lahat ng tanong niya eh.

"You already answered your question so leave now." seryosong sabi ko rito

"Sige Sir! Sana po magkababy na kayo! Hihihi!"

Tsk. Sana nga. Kailangan kong mag-overtime sa kanya para makabuo kami ulit. Malaki na ang mga panganay namin kaya dapat kumilos kilos din ako. *evil laugh*

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at baka wala akong matapos na trabaho dahil sa naiisip ko. Mahirap na baka umuwi agad ako.

"Sir, remind ko lang po yung meeting niyo."

"I'm going." tipid na sabi ko

Mabilis na pinirmahan ko last na binasa kong papeles at nagtungo na sa meeting room sa baba. Hindi pa pala ako nakakapili ng cover para sa next issue ng magazine.

"Jolina, call Kuya Enrique and tell him that I need his decision for the pictures that we'll put in magazine." utos ko kay Jolina na nasa likuran ko

Ginawa naman agad niya ang sinabi ko kaya nauna na ako sa kanya.

"Good morning Sir Jack.." bati nila sakin

"Good morning. Ayos na ba ang layouts ng magazine?"

"Yes Sir. Pictures na lang po ang kulang."

"Where are the hard copies of the pictures? Darwin, where are the soft copies I'm asking?"

"Heto po Sir."

"Sir, naibigay ko na po yung flashdrive kay Jolina."

Nilingon ko si Jolina na kakapasok lang at sinenyasan na lumapit sakin.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now