Chapter 11

119K 2.6K 1K
                                    

Scarlett's POV

"Pack your things."

Napalingon ako sa nagsalita at kumunot ang noo ko.

"What do you mean, Kuya? Pinapalayas mo na ba ako?" malungkot na tanong ko

"You want to go to States, right?"

Tumango ako kay Kuya. Nakapagdesisyon na ako mula nang ipagtabuyan ako ni Jack. I decided to go to States.

"Leo will go with you."

"Kuya, marami ng nagawa si Leo para sakin. That's too much."

"Mamili ka Scarlett. You will go with Leo or you will stay here in Philippines?"

Napatayo agad ako sa tanong ni Kuya at walang sagot sagot na nag-impake ako ng gamit ko. Tinulungan ako ni Kuya na mag-impake pero nahinto ako nang maalala kong hindi na magkasya sakin yung ibang damit ko.

"When is our flight?" tanong ko

"Tomorrow morning."

Muntik ko ng hambalusin si Kuya sa sinabi niya. Bwisit to. Alam ba niyang 10:30am palang?!

Marahas na tinaktak ko ang laman ng maleta ko na ikinagulat ni Kuya. Naiinis talaga ako sa kanya.

"Do you know what time is it, Kuya?! Akala ko naman mamayang gabi na kami aalis! Mag-shoshopping muna ako!" mataray na sabi ko sa kanya

"What?! Nakukuha mo pang mag-shopping?! You're pregnant Scarlett!"

"Pag buntis bawal mag-shopping?! Bwisit! Lumabas ka nga sa kwarto ko Kuya! Naiinis ako sa'yo!"

"Stop being stubborn! You will stay here!"

"I'll go shopping and no one can stop me! No one!"

He was about to talk when my mother appeared. Nilapitan niya kami ni Kuya.

"Enrique! Buntis ang kapatid mo kaya wag mong pinagbabawalan sa gusto niya!" sermon sa kanya ni mommy

"Eh kung mahulog yan sa escalator ng mall o ma-stuck sa elevator?" praning na sabi ni Kuya

"Chloe is going with her. Magbihis ka na anak." masuyong binalingan ako ni mommy

Lumiwanag ang mukha ko at maingat na pumasok sa banyo ng kwarto ko. Narinig kong lumabas na sila mommy at Kuya.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng shorts at simpleng blouse and wear my flats. Bawal na akong mag-heels baka matapilok ako. Nagsuot ako ng shades at nagscarf. Baka dumugin ako ng tao pag nakilala nila ako.

Pagbaba ko nandoon na si Chloe kaya umalis na kami agad. Si Chloe na ang nag-drive dahil kotse niya ang ginamit namin.

"Saang mall tayo pupunta?" tanong niya sakin

"Sa SL mall tayo."

SL mall is one of my malls. Yeah. Mine. Nakapangalan sakin ang mall na iyon dahil regalo sakin iyon ni dad nang mag-18 ako. SL stands for Scarlett Lewis.

"It's almost 11. Hindi ka pa ba gutom?"

"Nope! Let's go. Kailangan ko ng makabili ng damit ko."

Hindi pa naman ako tumaba masyado. Ang problema ko lang ay ang shorts, jeans, at skirts ko. Hindi pa naman ganoon kasikip pero nag-aalala akong maipit ang tummy ko.

Nagtungo kami sa isang botique na pag-mamau-ari ng tita ko. Ayokong magpagala gala sa mall dahil baka may makakilala sakin.

"Bessy, hindi pa naman malaki ang tummy mo ah." bulong sakin ni Chloe

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now