Chapter 14

128K 2.4K 1.1K
                                    


Lady's note: PLEASE BE OPEN-MINDED.

READ AT YOUR OWN RISK! BINALAAN NA KITA HA!

CAPSLOCK PARA INTENSE! HAHAHAHA

==========================================

Scarlett's POV

Five years later...

"Adam! Niall! Sit down!" saway ko sa dalawa

Napapanguso naman silang umupo sa upuan nila. Napakakulit talaga ng mga batang ito. They're my sons. Yes, sons.

Dahil ang lalaking iyon, nakatwo-points. Identical twins sila at parehong-pareho ng kilos at ugali. Nalilito nga sila minsan kung sino si Adam or Niall. Pero kami nila Chloe alam na alam namin.

Magkakasama kami nila Chloe sa isang bahay, diba? Kaya alam nila ang pagkakaiba nila. Si Niall may mole sa kanang kilay niya pero si Adam wala.

Pansin niyo yung name nila? Adam came from Adam Levine. Niall from Niall Horan. Pinangalan ko sila sa mga paborito kong singer.

"Mom, where's dad?" tanong ni Niall

"Right here."

Sabay kaming napalingon na apat sa nagsalita. Bumungad samin ang nakangiting Edward. They call him dad pero alam nilang hindi siya ang tunay nilang ama.

Edward is their father legally. In their birth certificates, Edward is their father. Gamit rin nila ang apelyido niya. Bakit ko pa ipapangalan kay Jack ang mga anak ko? He wanted to get rid of them.

"Goodmorning babies! Hon, bakit hindi mo ako ginising?" bati samin ni Edward

"Tulog ka eh." pabalang na sagot ko

"Kaya mo nga ako gigisingin dahil tulog ako." maktol nito

Natawa na lang ako sa kanya. Sa haba na ng pagsasama namin ni Edward mas nakilala ko siya. Napakabuti niyang kasintahan at ama sa mga anak ko. Hindi siya nagpakita ng kahit anong masamang ugali sa mga anak ko. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi kami nag-aaway.

We fought countless times. Pero hindi namin iyon pinapakita sa mga bata at hindi nagtatagal ang pag-aaway namin.

"Ang sarap ng tulog mo eh. Kain na tayo."

Naupo na siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may sumigaw na ikinangiwi namin ni Edward.

"ADAM! NIALL! TITA LAUREN IS HERE!"

"TITO HANDSOME IS HERE!"

Mabilis na tumakbo ang kambal at nagpunta sa kung saang lupalop naroon si Lauren at Leo. Palagi yan dito at minsan dinadala nila sa Korea ang mga bata. Pumapayag naman ako dahil nandoon naman yung papa nila.

"Hello Seth! Hello Scarlett!" masiglang bati nito samin

"Bro! Istorbo ba kami? Na-miss ko ang mga pamangkin ko eh!" Bati ni Leo

"You just ruined our breakfast." sabi ni Edward

"Selos ka nanaman sakin eh. Kumusta Ex?" baling nito sakin

Natawa ako sa sinabi niya. Ex talaga ang tawag niya sakin. Ex-Love daw niya ako. Nagtapat siya sakin noon pero tinanggihan ko siya dahil wala akong special feelings sa kanya. Nalungkot ako dahil nasaktan ko siya at umalis siya nang walang paalam pero pagkaraan ng isang taon, ayun. Bumalik siya rito at nakipag-ayos sakin.

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now