Chapter 33

96.3K 1.8K 285
                                    

Author's note:

Thanks to Danshiee for the new story cover. I really appreciate it.

Credits goes to her. So yeah. Thanks a lot ^_^

==============

Jack's POV

Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga tambak na trabaho ko. Perks of being only child. Wala akong katulong sa mga paperworks.

Dalawang linggo na mula nang mangyari ang aksidente. At dalawang linggo na rin na walang malay si Niall. He's still in coma. I know it's not my fault but I can't stop blaming myself.

Yung driver na nakabunggo sa amin, he's dead. Kung naagapan ko lang at nakita siya agad baka hindi nangyari ito.

Damn. Napapikit ako ng mariin nang maalala ang araw na iyon.

Hindi namin magawang ituloy ang kasal namin ni Scarlett dahil hindi pa nagigising si Niall. I am worried about Adam. He's so.....silent and distant to everybody.

Even with her mother. Nagkukulong ito sa kwarto at minsan ay hindi makausap. Sinabi ng doktor niya na na-trauma siya sa nangyari at dahil na rin sa nangyari sa kakambal niya.

"Jack...."

Napalingon ako sa asawa ko na kararating lang galing ospital. Inunat ko ang kamay ko at agad siyang tumakbo papunta sakin. Walang pakundangan itong umupo sa kandungan ko at sumubsub sa balikat ko.

She's crying again. Ganito palagi ang eksena namin tuwing manggagaling siya sa ospital. Sila mama ang nasa ospital ngayon para magbantay kay Niall.

"He's not waking up!" parang bata na sumbong nito

Hinalikan ko ang ulo nito at hinaplos ang buhok niya. She's still the Scarlett Isabelle that I used to know. Fragile. Vulnerable. Soft. Strong woman.

"He will, baby. Just wait."

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinabi ang linya na iyan. Araw-araw na pinagdarasal ko na magising ang anak ko.

Hindi nag-iimprove ang vital signs niya. It's freaking the hell out of me but I can't show it my wife. She need me the most.

"Mommy..."

Sabay kaming napalingon kay Adam na ngayon ay naluluha na naglalakad papunta sa amin. Mabilis na yumakap ito sa amin ni Scarlett. Rinig na rinig ko ang muntik hikbi nito.

"I dreamt about Niall, mommy. I had a bad dream about him." umiiyak na sabi nito

"No baby. He's coming back. We will wait for him." Scarlet whispered

"Daddy...." tawag nito sakin at sumubsob sa dibdib ko

Damn. He's too young to feel this pain.

Pagkatapos naming magyakapan ay nagtungo na kami sa kusina para kumain ng dinner. Nginitian ko ng tipid si Lauren na may kausap sa telepono.

Naupo na kami kaya naghain na ng pagkain ang mga maids. Pinagsandukan ko ang mag-ina ko ng pagkain. Magsasandok na rin sana ako para sa akin nang pumasok si Lauren sa dining.

"Jack, can I have a moment with you?"

Nagkatinginan kami ni Scarlett na nakangiti sakin at marahang tumango. Hindi ko alam kung bakit pa namin kailangan lumayo ni Lauren para sa sasabihin niya.

"Tapos na." nakangiting sabi nito

"Huh?" takang tanong ko

"Tapos na yung pinapatayo mong bahay niyo."

The Casanova Got Me PregnantOnde histórias criam vida. Descubra agora