Chapter 2

169K 3.2K 951
                                    


Isabelle's POV

Leo on the side--->>

Tumaktabo ako ngayon dahil late na ako sa unang klase ko. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may mabangga ako.

"Sh*t!"

Pinulot ko agad ang mga gamit ko na nahulog at tinignan ang nabangga ko.

"Sorry. Sorry tal---" napahinto ako sa pagsasalita nang makita kung sino ang nabangga ko

Si Jack

Destiny na ituuuh! Nagkabanggaan ulit kaming dalawa. At sa pangalawang pagkakataon, umalis siya sa harap ko ng walang paalam o isang salita.

Imbes na malungkot, nakaramdam ako ng saya dahil nagkita kami ulit. Nakangiti ako ng malapad habang naglalakad. Pakiramdam ko nasa ulap ako. Pakiramdam ko--sh*t! Late na ako!

Napatakbo ako ng mabilis ulit. Ayos to. Hindi ko na kailangan mag-work out.

"Sorry sir. I'm late." hinihingal na sabi ko

Huminga ako ng malalim at maglalakad na sana papunta sa upuan ko nang mapansin kong....

Nakatingin silang lahat sakin. Nilibot ko ang paningin ko at nagtaka ako nang makitang hindi ko kilala ang mga tao sa loob.

"Isabelle..."

Napatingin ako sa tumawag sakin at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Leo. 4th year college na si Leo habang ako 3rd year kaya ibig sabihin, mali ang pinasukan ko.

"Excuse me, sir. I'll just accompany her." paalam nito na ikinatango lang ng gulat na instructor nila

Nilapitan ako ni Leo at hinila palabas. Nang makalayo kami sa room, agad kong hinarap si Leo.

"I didn't go in the wrong room, right?" mahinahon na tanong ko

He chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas natawa siya. I crossed my arms and rolled my eyes at him.

"Hatid na nga kita sa room mo. Baka iba nanaman ang mapuntahan mo eh." natatawang sabi niya at inakbayan ako

Inirapan ko siya ulit. Kinuha niya ang mga gamit ko. Hindi naman ako umangal dahil nabibigatan rin naman ako.

"Pumasok ka na."

Nasa tapat na pala kami ng room. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng room. Eeeeehhh! Ang gentleman talaga niya.

"Bye. Thank you!" nakangiting sabi ko

Tumango lang siya sakin at umalis na. Pumasok na ako sa room at mukhang swerte ako dahil wala pa ang prof namin. Tumabi ako kay Chloe dahil kaklase ko siya sa lahat ng subject at pareho kami ng course.

"Late ka nanaman!" bungad niya sakin

"Wala pa namang prof eh!"

"Babatukan na talaga kita eh! Bakit ka pala hinatid ni Leo? May klase siya ngayon, diba?" takang tanong niya

Namula ako nang maalala ang ginawa kong kahihiyan kanina. Napaigik ako nang sinundot ni Chloe ang tagiliran ko.

"Nililigawan ka niya? Ayyyiieeeee!" kinikilig na sabi niya

"Hindi kaya. Sinamahan niya lang ako kasi mali ang kwartong napasukan ko." nahihiyang sabi ko

Bigla naman niya akong binatukan. Napahawak ako sa ulo ko at napa-aray.

"Shunga ka talaga! Sana naman ilabas mo yang katalinuhan mo! Naturingan kang dean's lister pero shushunga shunga ka!" sermon nito sakin

"Sinesermonan mo nanaman ako." nakangusong sabi ko

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now