BUHAY KRISTIYANO

4.5K 55 12
                                    

This will be the last chapter of this book for now. Planning to have a book two someday.

Ang hirap magsimula. Sa totoo lang, mahirap talaga ang indroduction, hindi mo alam kung paano mo sisimulan o ano ang mga ilalagay mo upang makapag sulat ng bagong chapter. Bilang isang baguhan at walang hilig sa pagsusulat, napakahirap sa akin ang gumawa ng isang book. Noong una, nag dadalawang isip pa akong magsimula kasi sabi ko, ay hindi ko naman to magagawa, hindi ako magaling magsalita, hindi ako makaka grab ng attention ng tao, mapagtatawanan lang nila ako kasi baka napaka simple ng mga isusulat ko. Tapos nag pray ako sa Lord. Sabi ko, "Lord, gusto ko pong gumawa ng book, gusto ko pong isulat kung ano ang mga gusto kong sabihin". Then after ko magdasal, nakakasanayan ko na na hindi muna namulat, gusto ko munang mag stay sa presence ni Lord dahil alam ko na pag prayer, hindi lang laging nagrereport o nagsasabi kay God, dapat ay nakikinig ka din kung ano ang gusto Niyang sabihin sayo.

Habang nag me-meditate ako, ang daming napasok na salita sa akin, puro encouragement at sobra akong nae-enlightened. I know that God is speaking to me right at that time. Pinaparating Niya sakin ang mga salitang "I am with you". Sobra akong naliliwanagan, sumasaya at parang nawala lahat ng doubts ko sa buhay. Feeling ko tuloy ako nalang ang tao sa mundo at tila ayaw ko nang dumilat sa mga oras na yun. Sobra akong kino-comfort ni Lord at ramdam na ramdam ko ang pagyakap at pagkilos Niya sa buhay ko.

Tama ang sinabi Niya, "Call to me and I will answer you. And tell you GREAT and HIDDEN THINGS that you do not know" -Jeremiah 33:3. "Ang sarap sa presence mo Lord Jesus, thank You po!" yan lang ang nasasabi ko sa oras na yun. Paulit-ulit akong nagpapasalamat sa Panginoon sa ginagawa Niya sa buhay ko. Pagdilat at pagtapos ko mag quiet time with God nagsimula na ako sa paggawa ng book na ito. "Ito na, uumpisahan ko na". God is with me, kaya't yung feeling ko noon na punong puno ng doubts and pagkabog ng dibdib ay napalitan ng inspired mood at excitement.

Everytime na nagsusulat ako ng bagong chapter, I pray to God na Siya ang kumilos sa buhay ko, not my own will and understanding but by His. Sa pagsusulat ng bawat chapter ay dapat ibinababa ang sarili dahil wala kang magagawa kung napakataas ng tingin mo sa sarili mo. We must become LESS and GOD must become GREATER. "learn from me, for I am gentle and humble in heart"-Matthew 11:29. Alam ko na sinasamahan ako ni Lord sa paggawa ng chapter, ramdam na ramdam ko ang Kanyang pagbulong sa aking tenga. The Holy Spirit is Guiding me.

MAHIRAP BA?

Sabi ko nga kanina sobrang hirap sa sitwasyon ko kasi hindi naman ako mahilig magsulat. At never ko talagang nagustuhan ang gumawa ng book. Kasi dati may thinking ako na ang weird ng mga gumagawa ng books (non-Christian pa ako nun). Pero ngayong ako na mismo ang nasa kalagayan na ito, masasabi ko na hindi basta-basta ang pag gawa ng isang libro. Lalo na kung spiritual ang gagawin mo. Kailangan kasi ng prayer, heart, mind, body and Lord sa buhay mo. Yung tanong na mahirap ba ay nasagot ko na ngayon. "Walang mahirap kung kasama mo ang Panginoon sa buhay mo". I can do all things through Christ who strengthens me"-Philippians 4:13. Wala kang hindi magagawa kung alam mo na kasama mo si Cristo sa buhay mo. Luke 1:37 "With God, Nothing is impossible". Ang galing lang kasi yung mga ipapagawa sayo ni Lord ay yung mga bagay na hindi mo lubusang naiisip noon. Kasi yung naiisip mo ngayon ay yung kung ano lang ang abot ng isip mo at kakayanan pero kay God iba; kasi nga may plano Siya sa atin. And His thoughts are not our thoughts. May ipapagawa Siya sa atin na alam Niya na magbebenefit sa iba, sa Kanya at higit sa lahat sa ating buhay at babaguhin Niya ang buhay mo kapag nagpaanod ka sa nais ng Panginoon sayo. Let His will be done, not yours. Focus on His word and promises. Wag mo sasabihin na walang magagawa ang Diyos sa buhay mo kung hindi mo naman binabasa ang Bible mo. Magpasakop ka sa Kanya.

Hindi ko magagawa ang book na ito kung hindi dahil sa Panginoon. Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon upang masulat at mailahad ang nais kong sabihin. Hindi upang maiangat ko ang sarili ko kundi para makilala Siya ng iba. Ang purpose ng book na ito ay para sa mga Kristiyano na napagdaanan ang mga bagay na ito, nanghihina/nanlalamig, nagpapatuloy, naglilingkod, kailangan ng self-evaluation, at sa mga nagnanais na mabago at ma-inspire , at sa ibang hindi pa nakakakilala sa Diyos, I prayed na ang book na ito ay isa sa makatulong sa inyo para makapag build ng fire and relationship kay JESUS CHRIST. Hopefully, natulungan kayo ng book na ito, at nagsilbing eye-opener sa inyo.

ANO BA ANG BUHAY KRISTIYANO?

Ang daming nagtatanong sa akin, "bakit masyado mong binibigay ang buhay at oras mo sa Diyos?" Ang sinasabi ko sa kanila, "Kasi si God ang unang gumawa nito para sa akin, sa atin, upang maligtas tayo at huwag mapahamak, kulang pa nga lahat ng ginagawa ko para sa Kanya sa mga ginawa Niya sa atin". Ang utang na loob, mapapakita mo yan hindi sa tao lamang, kundi kung paano ang ginagawa mo sa Diyos. Hindi ko masasabing may utang na loob ka at totoo kang tao kung dini-disregard mo si Lord sa buhay mo. Paano ko masasabing totoong tao ka kung binabalewala mo ang King of kings ang Lord of lords. Ang pagiging tao ay pagiging Kristiyano. Ginawa ng Diyos ang tao in His own image, kaya kung may tao na ayaw kumilala kay Lord. Pag pray mo siya kasi hindi pa siya ganap na tao kundi si satanas ang nagko-control sa buhay Niya. Wag ka magsawang mag pray at ipakilala sa iba si Kristo. Ipagmalaki mo Siya at huwag ikahiya upang hindi ka Niya din ipagmakahiya sa harapan ng Kanyang Ama na nasa langit.

Ang pagiging Kristiyano din ay yung kahit pagod na pagod na ang physical body mo, hindi ka pa rin nakakaramdam ng pagod, kasi you are spiritually-filled. Umaapaw ka sa biyaya at kalakasan galing sa Diyos. Kaya kahit loaded na ang gawain, chill ka pa din kasi alam mo na "All things work together for good, to those who love God, those who are called according to His purpose"-Romans 8:28. Walang mahirap dahil napagtagumpayan Niya na ang lahat ng bagay at kung may problema ka man, hinding-hindi ito makakapag move sayo sapagkat nasasabi sa 1 Corinto 10:13 "Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito". What a wonderful God we have. Lahat ng bagay may kasagutan basta't nabubuhay ka bilang Kristiyano.

Isa pa, SERVANT tayo at hindi BOSS. Naniniwala ako na there is only one BOSS and that's God. Pag Kristiyano "humble" yan, hindi hambog. We serve wholeheartedly kasi we are not serving the God of the maybe, but we are serving a ONE TRUE GOD! The LIVING GOD! And that is JESUS CHRIST! Hanggat hindi mo binababa ang sarili mong buhay sa harap ni God at sa harap ng ibang tao, masasabi ko na you will lose your life. God gave us an example when He descended here on earth. Hindi Siya naging presidente o hari. Naging karpintero lang Siya, kaya nga hindi Siya pinaniniwalaan na Diyos kasi ang tingin ng tao sa Diyos ay mayaman at makapagyarihan. Yes! Mayaman Siya at makapagyarihan pero hindi Niya yun ginamit dito sa lupa dahil ang nais Niya ay maging servant. Pinakita Niya ang the best example na dapat nating gawin. Hinubad Niya ang Kanyang pagka-Diyos kaya't dapat ay hubarin din natin ang ating pagkamataas ang tingin sa sarili. It will benefit you. BELIEVE ME.

Being a Christian doesn't mean you are perfect, but to understand that WE ARE FORGIVEN. Ang isang taong napatawad na ay hindi na dapat namumuhay ayon sa Kanyang sarili kundi namumuhay ayon sa sinasabi ng Diyos. Sumusunod dapat sa sinasabi ng Diyos, dahil kung ikaw ay tumanggap nga sa Panginoon ngunit hindi mo sinusunod ang Kanyang salita ay nagkakasala. "If anyone, then, knows the good they ought to do and doesn't do it, it is sin for them.-James 4:17"

"Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says. -James 1:22"

Ilan lamang ito sa mga katangian ng Buhay Kristiyano, marami pang iba yan. Gusto mo bang malaman? READ THE BIBLE, at naniniwala ako na God will open your eyes.

"But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you" -Matthew 6:33

Unahin mo Siya lagi at uunahin ka Niya higit sa lahat ng bagay. He will bless you plentifully. Nagsusumiksik, liglig, at naguumapaw na biyaya ang mapapasayo. In Jesus Name!

****

Dear Readers,

Salamat sa inyong walang sawang pagbabasa at pagtangkilik sa libro ko. Sa mga nag eeffort na mag Votes, comments, share at talagang nire-recommend pa ito sa friends niyo. Sobrang salamat sa inyo. Kilala Niyo na kung sino-sino kayo. Yung mga nagccomment at message. Nakakauplift kayo ng buhay. Nakakagaan at napapasaya niyo ako. Lalo ako ginaganahan magsulat at mag-update lagi pag nagsasabi kayo ng mga good feedbacks. Pagpalain kayong lahat ng Panginoon. MARAMING SALAMAT PO!

"To God be all the Glory and Praise FOREVER!"


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Where stories live. Discover now