PINAGKAIBA 1

2K 55 6
                                    

Tingnan natin kung ano ang mga pagkakaiba ng Tunay na Kristiyano sa Hindi Tunay at Hindi Mananampalataya:

(Just for fun, pero totoo)

1.1 Buhay Kristiyano: Magalang sa lahat ng tao. Patay sa pagiging Kristiyano: Sumasagot at walang respeto sa mas nakakatanda sa kanila at sobrang apihin ang mga mas bata sa kanila.

1.2 Buhay Kristiyano: Maagang gumising, sabado pa lang ay ayos na ang susuotin kinabukasan, hindi late sa sunday service (para kay LORD!) Patay sa pagiging Kristiyano: Hindi nag-aalarm, last minute kung umalis ng bahay kaya late na late kung dumating, excited umuwe at inaantok (lahat naman inaantok pero ibang klaseng antok to, bawat minuto nahikab!), at natutulog sa service.

1.3 Buhay Kristiyano: (sa estudyante) nag-aaral ng mabuti kasi alam nila na binibigyan sila ng wisdom ng Panginoon upang makapasa sa exams. Patay sa pagiging Kristiyano: Hindi nagrereview pero pray ng pray na sana ay makapasa.

1.4 Buhay Kristiyano: Nagbabasa ng Bible, inuunawa itong mabuti at sinasagawa ang mga nakasulat dito. Patay sa pagiging Kristiyano: Ginagawang display ang bible sa bahay, kapag binuklat at nakita na sobrang dami ng nakasulat sasaraduhan na ulit. Hindi sinasagawa ang mga nakasulat dito.

1.5 Buhay Kristiyano: Nagdadasal bago kumain. Patay sa pagiging Kristiyano: Hindi pa nailalapag sa lamesa ang pagkain ubos na, kadalasan itong nangyayare sa counter ng fastfoods (ubos agad ang fries)

1.6 Buhay Kristiyano: Nagtataas ng kamay kapag praise and worship, may tunay na pakikipag-connect sa Panginoon at na-mmoved siya ng bawat kanta. Patay sa pagiging Kristiyano: Hinihikaban ang praise and worship, nakadilat ang mata all the time, hindi binubuksan ang bibig, at lingon ng lingon sa katabi at pinupuna ang mga wala sa tono.

1.7 Buhay Kristiyano: Bible, devotion. notebook, ballpen ang hawak sa umaga pagkagising. Patay sa pagiging Kristiyano: Cellphone, at kung ano-ano pa.

1.8 Buhay Kristiyano: Kabisado ang John 3:16. Patay sa pagiging Kristiyano: Itinataya sa JUETENG ang tres, desi sais.

1.9 Buhay Kristiyano: Hindi naniniwala sa mga chain messages patungkol sa God yung mga tipong (send this to your 20 friends and tonight will be....) Patay sa pagiging Kristiyano: Send ng send ng chain messages dahil takot na hindi magkaroon ng blessings.

"Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is--his good, pleasing and perfect will. -Romans 12:2"

TRANSFORMERS not CONFORMERS!

Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant