INVESTING TIME

5.3K 54 4
                                    

"No one is busy in this world, it's all about PRIORITES"


Napakaraming bagay ang makakapukaw sa atensyon natin; Nandyan ang kayamanan, ang trabaho, ang mga kaibigan, ang pag-aaral, ang kamag-anak, sarili mo, ang asawa o mga anak. Hanggat tayo ay nabubuhay lahat ng mga ito ay nandyan lamang sa tabi mo. May ilang maglalaho at may ilan namang kasama mo hanggang sa mga huling sandali ng buhay mo.

Lahat ng bagay ay may kanya-kanyang tungkulin sa mundo at ang bawat isa ay may pinaglalaanang sapat na oras sa kanilang buhay. Ikaw kaya? Saan mo inilalaan ang iyong oras? Nagagamit o naibibigay mo ba ang oras mo sa mga mahahalagang bagay?

Kailangan nating mag-ingat sa paglalaan ng oras sa isang bagay lalo na't kung hindi naman ang Diyos ang inuuna mo.

"You shall have no other gods before me" -Exodus 20:3

Malinaw na nakasaad na huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa akin. Iyan ang sinasabi ng Diyos. Hindi lang iyan basta sinabi kundi isang UTOS na kailangan nating sundin. Pero bakit nagiging diyos mo na ang pera mo? Ang anak, ang kaibigan, ang pag-gagala, ang atensyon mo, at higit sa lahat ang oras mo sa ibang mga bagay?

YOU MUST PUT GOD FIRST!

Hindi Siya tira-tirahan lamang ng oras mo, na kapag may konting oras ka pang natitira ay ibibigay mo sa Kanya, kadalasan pa nga ang mga tira ay hindi na the best. Kung sa ulam man, buto nalang ito. Wag ka sanang magbigay ng buto sa Diyos dahil una sa lahat, hindi ka Niya pinagkukulang at hindi ka Niya kailanman binigyan ng tirang pagpapala, lahat the BEST!

Ang sarap kaya ng feeling na pagkagising mo pa lang sa umaga gagawin mo na agad priority ang Diyos higit sa lahat ng bagay. Nakakapositive vibes kapag pagmulat pa lang ng mga mata mo at may panis na laway ka pa ay kausap mo na ang Diyos na Siyang nagbantay sayo sa buong magdamag, pinapaypayan ka Niya at binibigyan ng mahimbing na tulog. Hindi naman lalayo ang Diyos sayo kung bad breath ka pa sa umaga. Mas mabango pa nga ang hiniga mo sa umaga kapag nakipag-usap ka sa Kanya kaysa sa matutulog ka na at naka toothbrush saka mo lang Siya maaalala.

THE TRUTH IS:

Lahat ng bagay sa buhay at paligid natin ay pwede nating maging Diyos. Kapag iniisip mo ang isang bagay ng higit sa Diyos, ibig sabihin nagiging Diyos mo na yun kasi sobra ka na naapektuhan sa bagay na yun. Hindi mo lang ba naiisip na kapag ang Diyos lagi ang kasama mo sa lahat ng ginagawa at desisyon mo, everything will be good. Hindi mo kailangan mag-alala nang sobra dahil you know that "God is in control" because He is your provider.

"The key to having God's 'abundant life' is keeping Him in His rightful place in our priorities."

"For where your treasure is, there will your heart be also." -Luke 12:34. Kung ang iyong kayamanan ay ang Panginoong Jesus, karapat-dapat lamang na nasa Kanya din ang iyong puso. Doon, mapapakita mo talaga sa Kanya na lubusan kang nagtitiwala at nagbibigay ng sapat na panahon para sa Kanya. Ang oras na ibibigay mo sa Kanya ay hindi magbebenefit sa Kanya kundi magbebenefit sa iyo.

Make it your goal to have a deep, intimate relationship with God. Hindi lang ang oras mo ang ibigay mo sa Kanya, kundi ang iyong buong pagkatao, buong puso, buong kaluluwa, at buong buhay. Tandaan mo na ang pagbibigay ng oras ay pagpapakita ng pagmamahal.

GUMAWA TAYO NG COMMITMENT SA ORAS NA ITO, HINDI MAMAYA, HINDI BUKAS, HINDI SA ISANG ARAW O SA ISANG TAON. NGAYON NA KAPATID! KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA? KUNG KAILAN HULI NA ANG LAHAT? SUMABAY KA SA MAIKLING PANALANGIN NA ITO AT GAWIN ITONG PERSONAL MO NA PANALANGIN:

Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mensahe na ibinigay Niyo sa akin. Hindi po ito isang aksidente na mag-commit ako sa oras na ito, kundi isa po itong pagpapala sa aking buhay, upang gawin kayo bilang FIRST AND ONLY PRIORITY ko habang nabubuhay ako. Alam ko po na may gagawin kayo sa buhay ko at sa buhay ng mga mahal ko sa buhay. Ipinagkakatiwala ko po ang aking buhay sa inyo. Gamitin Niyo po ako mightily sa Inyong ubasan. Hindi po ako aabsent tuwing linggo. Ibibigay ko po ang aking oras para sa Inyo. Maraming Salamat po aking Ama, sa Pangalan ni Jesus na aking Diyos at Tagapagligtas. AMEN!


"HE IS NOT AN OPTION. HE IS OUR PRIORITY IN LIFE"


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora