TOTOONG BUHAY

4.8K 120 20
                                    

Minsan sa buhay natin nag-iisip tayo kung bakit nga ba tayo nabubuhay. Kahit ako noon inisip ko kung bakit kaya nabubuhay ang isang tao. Dahil ba sa big bang theory na wala namang katotohanan. Dahil ba sa pamilya, sa kaibigan, sa sarili upang magpayaman, o kung ano pa man ang nasa isip mo, isa lang ang sagot dyan. Hindi mo pa nakikilala si Jesus Christ. 

Hindi ko sinasabi ito dahil akala ko sa sarili ko ay perfect na ako. Hindi ko din sinasabi ito para mapahiya ka dahil sa iyong mga kasalanan, hindi ko sinasabi ito upang kondemahin ka sa mga ginagawa mo, pero isa lang ang masasabi ko. Noon pa man nabuhay ako bilang isang tao na walang ginawa kundi ang mamuhay sa sarili kong kagustuhan. Nagsisimba ako pero pagkalabas naman sa simbahan ay nagkakasala na ulit. Ganyan ang buhay kung hindi mo kilala kung kanino ka nabubuhay.

JESUS is the way, the truth, and the life (John 14:6). Subukan nating isa-isahin. Siya ang daan, kung naguguluhan ka kung saan ka pupunta o kung ano ang susundan mong landas, huwag kang mawalan ng pag-asa at huwag kang malungkot dahil kapag sumunod ka kay Jesus ay makakasiguro ka na tuwid at maayos na daan ang iyong paroroonan. 

Bakit ka naman maniniwala agad na Siya nga ang daan? Papasok na dyan ang TRUTH o katotohanan, kung hindi ka naniniwala na Siya ang katotohanan ibig sabihin wala kang karapatan na maniwala sa iba pang nakasulat sa Biblia. Kung naniniwala ka sa Diyos hindi mahirap sayo na maniwala sa mga nakasaad sa Biblia at hindi ka mag da-doubt. 

Hindi dapat to see is to believe! Kasi kung may faith ka, alam mo na mahal mo Siya at naniniwala ka sa Kanya kahit di mo man Siya nakikita physically. Sabi nga sa (John 4:24) Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat mo Siyang sambahin sa Espiritu at katotohanan. Ano naman ang mangyayari kapag sumunod tayo kay Jesus Christ? Magkakaroon tayo ng BUHAY! Buhay na walang hanggan at buhay na kasiya-siya. Siya lang ang tanging makakapagbigay noon sa atin.

Gaya ng sabi ko kanina namuhay ako bilang isang tao na GO WITH THE FLOW. Kung ano ang mangyari sa akin sige lang. Kung saan ako lumaki doon na din ako mamamatay. Tama! Pag hindi ko siniyasat ang katotohanan sadya talagang mamamatay ako (spiritually). Pero hindi ko hinayaan na mamatay ako at mabulag sa maling katuruan. Dahil ang paglago pala spiritually ay ang pagbabasa ng BIBLE (Basic Instructions Before Leaving Earth) *hindi tunay na kahulugan*. 

Kaya kung kayo man ay isang Kristyano at hindi kayo nagbabasa ng word of God, hindi kayo matatawag na isang Kristyano kasi hindi niyo binibigyan ng halaga ang Kanyang mga salita. Hindi niyo binabasa directly ang Kanyang salita. Kung ano ang narinig niyo pag sunday eh ayun na yun. Kailangan nagbubuklat tayo ng Bible at inuunawa ang bawat salita na nakasulat dito. Maniwala tayo sa mabuting balita. Mga kapatid kailan mo babasahin ang Bible at kailan ka pa maniniwala kapag ba huli na ang lahat? Buksan mo ang iyong isip, mata, puso at buhay sa salita ng Diyos. READ THE BIBLE! Believe the GOOD NEWS!

"All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, so that the servant of God may be thoroughly equipped for every good work. -2 Timothy 3:16-17"

Huwag kang mamuhay sa sarili mong kapamaraanan. Mamuhay ka ayon sa kagustuhan ng Panginoon sa buhay mo. Mga kapatid, marami Siyang gagawin sa buhay mo. Siya lamang ang daan patungo sa kaligtasan. At Siya lamang ang makakapagbigay sayo at magpapakita sa iyo ng totoong buhay. His name is JESUS!


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ