CONTENTMENT V.1

2.4K 46 5
                                    

"For I have learned to be content, whatever the circumstances. -Philippians 4:11b"

Naghahanap ka ba ng perfect church? Sa tingin mo ba ay may perfect church? Makatagpo ka kaya ng perfect church? Perfect pastors, leaders, members, sound systems, etc. Sabihin nating nakahanap ka na nga ng perfect church, at napag-isipan mo na doon na umattend lagi, matatawag pa ba yung perfect kung nandoon ka na? Because you are imperfect.

There is no such thing as perfect. Only GOD is perfect.

Hangga't nabubuhay tayo dito sa mundo, di mo masusumpungan ang perfect sa buhay mo, sa mga sitwasyon na mangyayari sayo, at ano man ang darating sayo. Ang perfect nalang na mangyayari ngayon ay makaperfect sa exams mo sa school. Pero in reality di mo yun masusumpungan hanggat hindi ka nakakapunta sa langit.

Para sakin, sa pananaw ko lang naman, pag naghahanap ka ng mga bagay na wala sayo o sa buhay mo ibig sabihin lang yan ay nagmamalaki ka. Ibalik natin sa paghahanap ng perfect church; Kung di ka kontento sa church na inaattendan mo ngayon, sign lang yan na ang taas ng tingin mo sa sarili mo, kasi pinapakita mo na hindi ka nababagay sa ganoong klase ng lugar o mga tao. (hindi lahat)

Lumipat ka ng church KUNG:

1) Na-realize mo na maling katuruan ang itinuturo dito. False Doctrines

2) Hindi na nabase sa katuruan mula sa Biblia o sa Diyos, kundi sa sariling karunungan na lamang siya naasa. Glory to me

3) Natawid karagatan o himpapawid pa ang byahe mo. Practicality

4) Walang respeto ang pastors, walang modo ang mga leaders, at pangit na attitudes ang mga nasa loob nito. No Spiritual Growth (Baka mahawa ka pa)

5) Hindi kinikilala si Jesus as personal Lord and Savior. Ibang Diyos ang kinikilala nila. Pag doon ka daw nag church ay maliligtas ka dahil sila lang daw ang church na magliligtas sayo. Cult (madami nito)

Mag-stay ka sa church mo kung:

Dito mo lubos nakikilala si JESUS CHRIST, Lumalago ang aspetong Espiritwal mo, Nataas ang Faith mo, Damang-dama mo ang presensya ni God, Dyan ka talaga nili-lead ng Holy Spirit, etc. Malalaman mo naman yun eh, dahil bibigyan ka ng wisdom ni God para malaman kung saan ka ba talaga Niya papupuntahin. His Grace is sufficient. 

Mag-i-stay ka sa church mo KAHIT:

1) Walang aircon, complete instruments, walang pintura, walang projector, walang stage, etc.

2) May bumabangga sayo, dahil pinapakita dito na hindi dapat tayo sa tao tumitingin kundi sa Diyos lamang.

3) Madaming mas matanda sayo, o mas bata. Hindi importante ang edad dahil kaluluwa pa rin yan kahit ano man ang edad ng mga iyan.

4) Konti lang kayo. Malay mo sinasabi ng Lord sayo na, "Anak, gusto kitang gamitin at i-annoint para palaguin ang Church na sinasakupan mo". Oh diba? Fulfillment! The Lord will help you. Challenge yourself. Di mo gagawin yun para matangyag ka kundi para makilala din ng iba si Lord. Para din sa Kanya ang gagawin mo, and He will bless you!

5) Di mo trip si pastor. Ano ba hinahanap mo? Pang that's my bae ang itsura? Tandaan mo hindi live male pageant ang ipinunta mo at panuorin ang poging pagpapacute ng pastor sa pulpit kundi si Lord mismo ang i-seek mo. Kahit sino man ang magsalita sa harap ang importante ay ang mga salita Niya at hindi ang itsura ng nagsasalita.

"But Godliness with contentment is great gain. -1 Timothy 6:6"

Kung sa church pa lang ay naguguluhan ka na, ano pa kaya ang gulo dyan sa puso mo? sa Espiritu mo? at sa buhay mo. Ang church ay makikita sa puso mo, hindi sa kung ano ang nakikita ng mga mata mo at ng mapanghusga mong isip.

"Contentment alone is the best way to happiness. Therefore, acquire contentment."


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Where stories live. Discover now